Rabiya Mateo, matapos ang Miss Universe: "We are alright even without the crown"

Rabiya Mateo, matapos ang Miss Universe: "We are alright even without the crown"

- Naglabas na ng pahayag si Rabiya Mateo matapos ang Miss Universe na ginanap sa Florida

- Sa video kung saan kasama niya si Miss Bolivia, sinabi nitong naging masaya naman ang kanyang karanasan sa pageant

- Nakabuo rin sila ng pagkakaibigan at masaya sila na maging kinatawan ng kanilang bansa para sa prestihiyosong pageant

- Hindi man naiuwi ni Rabiya ang ikalimang korona ng bansa sa Miss Universe pageant, nakapasok naman ito sa Top 21

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kauna-unahang pagkakataon, naglabas na ng pahayag si Rabiya Mateo matapos ang 69th Miss Universe na ginanap sa Florida, USA.

Nalaman ng KAMI na kahit nabigo si Rabiya maiuwi ang ikalimang korona sana ng Pilipinas sa Miss Universe, masaya naman ito sa pagiging kinatawan ng bansa at sa mga karanasan niya mula sa prestihiyosong pageant.

Rabiya Mateo,nagsalita na matapos ang Miss Universe: "We are alright even without the crown
Photo: Rabiya Mateo (@rabiyamateo)
Source: Instagram

Sa video na ibinahagi ng @rabiyauniverse, makikita si Rabiya na masaya at nagpapasalamat umano siya sa oportunidad na naibigay sa kanya sa pagiging bahagi ng Miss Universe.

"This is you know, a start, a beautiful start for something new."

Sa video na orihinal na ibinahagi ni Lenka Nemer D’rpic ng Bolivia, tahasang naglabas ng saloobin si Rabiya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

“Actually, it’s just one girl who’s going to be crowned, but I know in my heart, every one of us, we are alright even without that crown."

Dagdag pa niya, masaya siya sa pagkakaibigang natamo niya mula sa iba't-ibang contestants na kanyang nakasalamuha.

“It’s not every day that we get to represent our countries, so this is really a great opportunity for all the girls. We are happy to be here."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay nag-viral din ang video ni Rabiya kung saan makikitang nakikipagkulitan ito kay Miss Canada na si Nova Stevens.

Samantala, nag-viral din ang pagsuporta ng boyfriend ni Rabiya sa kanya sa pamamagitan ng pag-post nito sa kanyang Instagram Story. Napatigil daw talagang mag-review si Neil Salvacion at napatulala sa pagrampa ng kanyang girlfriend sa Miss Universe preliminaries.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Rabiya Mateo ay tubong Iloilo at ang pinakaunang pambato ng Miss Universe Philippines. Hindi man pinalad na maiuwi ang korona para sa bansa, proud pa rin ang mga Pinoy dahil nakasama pa rin siya sa top 21 at umangat pa rin sa 73 contestants ngayong taon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel