Miss Universe 2013 third runner-up Ariella Arida, nanghinayang kay Rabiya; 'Baka kinabahan'

Miss Universe 2013 third runner-up Ariella Arida, nanghinayang kay Rabiya; 'Baka kinabahan'

- Nagbigay ng komento si Miss Universe 2013 third runner-up Ariella Arida tungkol sa performance ni Rabiya Mateo

- Nanghihinayang umano siya sa pambato ng bansa sa 69th Miss Universe at gandang-ganda rin siya rito

- Subalit, napansin din umano niya na tila kinakabahan umano si Rabiya

- Gayunpaman, hinahangaan din naman niya ang pinakaunang Miss Universe Philippines dahil sa "hard work" na ipinakita raw nito sa buong kompetisyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Miss Universe 2013 third runner-up Ariella Arida ang kanyang pananaw sa performance ni Rabiya Mateo sa katatapos lang na 6th Miss Universe sa Hollywood, Florida.

Nalaman ng KAMI na isa si Ariella sa mga nanghihinayang para kay Rabiya na kinakitaan naman niya umano ng "hard work" sa buong kompetisyon.

Miss Universe 2013 third runner-up Ariella Arida, nanghinayang kay Rabiya; 'Baka kinabahan'
Photo: Ariella Arida (@araarida
Source: Instagram

Sa panayam sa kanya ni Dyan Castillejo ng ABS-CBN News, nasabi rin ni Ariella na gandang-ganda talaga siya sa mukha ni Rabiya.

Read also

Iloilo City Mayor, bukas sa pagdeklara kay Jam Magno bilang persona non grata

“Nasasayangan talaga ako sa mukha ni Rabiya, parang for a representative sa Miss Universe, gandang-ganda kasi talaga ako sa kanya.”

Ayon pa sa beauty queen, nakita naman niya na talagang pinaghuhusayan ni Rabiya ang bawat yugto ng kompetisyon.

“Kita ko naman 'yung hard work niya kung paano niya nilaban 'yung competition."
"Siguro I would comment lang kung ako 'yung judge, medyo napansin ko na kung hindi ko siya kilala parang kinakabahan ng kaunti”

Nais sana ni Ariella na makita lagi ang ngiti ni Rabiya sa paligsahan dahil lalo raw itong gumaganda subalit dala marahil ng kaba, bihira niya itong nagawa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

"Hinihintay ko kasi siya mag-smile talaga kasi doon siya naggo-glow, even the eyes. Serious look siya. Pero sobrang ganda niya, ang ganda ng makeup perfect look. So baka kinabahan siya during that time"

Read also

Nikko Natividad, nawindang sa pinabaon sa kanya ng asawa sa lock-in taping

Gayunpaman, isa rin si Ariella sa mga naging proud pa rin kay Rabiya sa pagkakapasok nito sa top 21.

"To think na ang daming candidates na akala natin strong contender pero hindi napasok sa top 21, for her to be able to be part of top 21, it’s something to be proud of"

Samantala, sa ulat ng CNN Philippines nasabi ni Ariella bago pa man ang coronation night na tiwala siya sa kakayahan ni Rabiya sa kompetisyon base na rin sa mga naipakita nito noong preliminaries pa lang ng Miss Universe ngayong taon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Ariella "Ara" Hernandez Arida ay isang model, actress at ang tinanghal na Miss Universe 3rd runner-up noong 2013. Naging bahagi rin siya ng programa ni Willie Revillame na 'Wowowin.'

Read also

Rob Moya, pinasalamatan ang babaeng dumamay umano sa kanya sa kanyang pinagdaanan

Kamakailan, isiniwalat na nina Ariella gayundin ng kanyang Kuya Wil ang rason kung bakit siya biglang nawala sa programa.

Maayos naman daw itong nagpaalam sa kanya dahil sa mga responsibilidad pa nito noon sa Miss Universe.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel