Seller, nawindang sa mga dahilan ng isang customer na kanyang sinisingil

Seller, nawindang sa mga dahilan ng isang customer na kanyang sinisingil

- Viral ngayon sa social media ang post ng isang seller kung saan ibinahagi nito ang kanyang naranasan sa isang customer na nasa New Zealand

- Pinadala na ng seller ang mga gown sa address na binigay ng customer dahil sa pinadala sa kanyang proof of payment

- Gayunpaman, natuklasan ng seller na peke pala ang pinadala sa kanyang proof of payment kaya namomroblema siya kung paano masisingil ang nasabing customer

- Pinakita din ng nagereklamong seller ang naging pag-uusap nila ng customer sa pamamagitan ng isang live stream

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang seller ang nagbahagi ng kanyang dinanas matapos mag-order ang isang customer na nasa New Zealand. Pinaliwanag nitong kaya niya pinadala ang mga inorder na gown ay dahil may pinakita umano sa kanyang proof of payment.

Seller, nawindang sa mga dahilan ng isang customer na kanyang sinisingil
Zharie’s Fashion Boutique
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

GF, nagpagawa ng face pillow ng kanyang nobyo na lagi niyang nami-miss ngayong MECQ

Huli na nang mapagtanto niyang peke pala ang pinadala sa kanyang patunay na nakapagpadala na ng pera ang nasabing customer.

Kaya naman, minabuti niyang ibahagi ito sa social media para kahit papaano ay mahabol niya ang kulang pa nito na P55,000.

Aniya, nagpadala naman ito ng 18,000 para sa shipping ng kanyang order at natanggap umano iyon ng seller. May binayad din umano itong 10,000.

Matapos nga mag-viral ang kanyang post, ilang litrato ang natanggap ng seller mula sa mga netizens na nagpapatunay na nagamit ang mga gown na kanilang pinadala.

Mam. Hindi pa din po ba kayo tatawag saamin. Sabi nyo po kanina hindi kayo umorder saaming team. Bakit po ngayon lumalabas po lahat ng gawa namin na suot nyo po. Sana po man lang tumawag kayo or magpm. Nagamit nyu po ung item mam. Pwde po kayong maki usap qng wala po kayong pambayad po willing po ako mag hintay.

Read also

Jollibee customer na animo'y nanalo sa beauty pageant, kinagiliwan ng netizens

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.

Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel