Guro, piniling bumili ng bahay at sasakyan sa kabila ng pandemya
- Kahanga-hanga ang diskarte ng isang guro na sa kabila ng pandemya ay pinili pa rin na bumili ng mga ari-arian
- Paliwanag ng guro, mahalaga pa rin ang kasalukuyan at napaghandaan naman na niya ang kanyang kinabukasan
- Payo pa niya, mainam din namang gawin na ang mga bagay na makapagpapasaya sa sarili at sa pamilya habang malakas pa
- Lalo na ngayong panahon ng pandemya na tila walang kasiguraduhan ang lahat, mas lalong dapat na i-enjoy ang bawat sandali ng buhay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakakabilib ang diskarte ng isang 40-anyos na guro na nagawang bumili ng bahay at sasakyan sa kabila ng dinaranas na pandemya.
Nalaman ng KAMI na 18 taon na siya sa serbisyo at kahit marami ang nagtaka sa biglaan niyang pagbili ng mga ari-arian, madali naman niyang naipaliwanag ang kanyang dahilan.
Para kasi sa kanya, nararapat lamang na bigyang halaga ang kasalukuyan. Marami kasi sa atin ang masyadong naghahanda para sa kinabukasan na hindi na namamalayan na naisasakripsyo na niya ang ngayon.
Narito ang kabuaan ng nakaka-inspire na kwento ng guro na si Gamaliel Paz:
"Never too late to fulfill your dream at age 40. Namili ng sasakyan at kumuha sa Pag-ibig housing isang bagsak. Almost 18 years na teacher at ngayon lang ako naglakas loob mamili ng bahay at sasakyan.
Palagi akong nag-iipon etc. for the future na nalimutan ko na na mabuhay ng maayus sa present. Naisip ko kung mawala ako bigla dahil sa pandemic hindi ko matutupad mga pangarap ko kaya sabi ko Bahala na si Batman at isama mo pa si Robin tutuparin ko ang pangarap kong magkaruon ng sarilin bahay.
Marami akong narinig na ay “bakit diyan ka namili malayo, saka may bahay naman kayo” etc. “Bakit ka namili sasakyan mahal mag maintain”. FYI bahay 'yun ng magulang ko at ayoko mamili ng bahay sa lugar na maingay at magulo saka kelan pako bibili ng sasakyan at maranasang magmaneho? Pag hindi ko na kaya?
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Kung meron kang pangarap pagsumikapan mo at bilhin. OK lang naman na mag-ipon para sa future pero mahalaga ang kasalukuyan kesa kinabukasan lalo sa panahong hindi mo alam kung ikaw na ang susunod na magkakasakit dahil sa pandemya. Don’t get me wrong mahalaga ang mag-impok pero sayang ang kita o ipon mo kung hindi mo naman maeenjoy.
Enjoy mo ang ngayun..Bilin ang gusto bilin..mahal man o mura basta sa ikasasaya mo.Bayaan mo ang iba na sabihing materialistic kanaman masyado etc. wala sila pakialam kasi buhay muyan at ikaw lang nakakaalam ano ang makapagpapasaya sa sarili mo. Mahalin mo ang sarili mo ngayun hindi bukas.
Enjoy life... Enjoy it now... Bilin ang gustong bilhin...Kainin ang gustong kainin..puntahan ang gustong puntahan at mahalin ang gustong mahalin...ayiiiiiiiiii!"
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Nakatutuwang isipin na likas na madiskarte ang mga Pilipino lalo na ngayon ngayong dinaranas pa rin nating ang krisis na dulot ng pandemya.
Bagaman at marami ang nawalan ng mga hanapbuhay at sinubok ng panahon, patuloy pa rin ang pagsusumikap na maabot ang mga pangarap 'di lamang para sa sarili kundi para na rin sa mga mahal sa buhay.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh