Dating OFW na may sariling bahay at negosyo na, ibinahagi ang kanyang inspiring story

Dating OFW na may sariling bahay at negosyo na, ibinahagi ang kanyang inspiring story

- Ibinahagi ng dating OFW ang kanyang nakaka-inspire na kwento kung paano niya napagtagumpayan ng maaga ang kanyang mga pangarap

- Sa loob ng tatlong taon, matiyaga siyang nangibang bansa na aminado siyang nahirapan siya talaga

- Kaya naman nang may nakita siyang oportunidad sa bansa, pinasok na niya ang pagne-negosyo kasama ang kanyang ina

- Ngayon, hindi na niya kinailangang mangibang bansa pa dahil maayos na tumatakbo ang kanyang negosyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na nakaka-inspire ang kwento ng dating overseas Filipino worker na si Karen Pascual Yandan Basagre na ngayon ay isang matagumpay na negosyante na.

Nalaman ng KAMI na tatlong taon lamang ang nilagi ni Karen sa Taiwan ngunit ayon kay Karen, matinding sakripisyo at pagtitiis ang ginawa niya roon lalo na at 12 oras ang kanyang trabaho.

Katunayan, wala pang isang buwan ay nais na sana niyang umuwi ngunit tinatagan na lamang niya ang kanyang loob.

Read also

Lalaking pumasok sa iba't ibang trabaho mula pagkabata, isa na ngayong principal at negosyante

Dating OFW na may sariling bahay at negosyo na, ibinahagi ang kanyang inspiring story
Food business ni Karen at kanyang ina (Photo from Karen Pascual Yandan Basagre)
Source: Facebook
"Wala pang 1month gusto ko na umuwi nagvideo call ako kila nanay habang umiiyak sabi ko di ko na kaya uuwi na ako sobra hirap ng trabaho," kwento ni Karen.

Aminadong nahirapan siya bilang Automated Optical Inspector sa isang electronics company sa nasabing bansa at night shift pa siya.

Malayo raw kasi ito sa trabaho niya bilang isang saleslady sa mall bago siya mag-abroad.

"Sobrang pagod, sobrang init ng jigs na pinaglalagyan ng pcb na hinahawakan ko nakakapaso. kala ko dati madali lng kasi nga may gamit na machine sobra hirap pala ng trabaho dahil kung anong bilis ng machine mo ganun din dapat ang katawan mo."

Lalo pang nagpahirap sa kanyang kalagayan ang pagka-miss niya sa kanyang mga anak na naiwan sa Pilipinas.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

"Sobra miss ko na mga anak ko. Ginugol namin sa pag-iipon ang perang kinita namin ng mister ko. Hindi kami naging maluho, mabarkada, magastos at pala labas ng asawa ko kaya may napuntahan ang perang pinaghirapan namin."

Read also

Dating panadero, isa na ngayong licensed Physician at registered nurse

Nang makauwi sa bansa, tinulungan niya ang kanyang ina sa carinderia business nito. Matumal ito noong una na halos sasapat lamang sa pampasweldo ng mga kasamahin nito sa negosyo.

Doon naisipan ni Karen na gawing online ang lutong bahay ng kanyang ina at pumatok naman ito.

"Hanggang sa naisipan ko na itry namin kaya ang online magpost ako ng mga lutong bahay may bumibili naman kahit papano unang paorder namin palabok hanggang sa dumami na customer namin nadagdagan ng nadagdagan ang food na pinapaorder namin."

At lumago na nga ang kanilang negosyo na pinagtulungan nila ng kanyang ina. Nagkaroon sila ng physical store at talagang naging kilala ang kanilang food business.

"Nagsipag ako mag-post hanggang sa nagbunga naman at nakilala talaga lutong- bahay namin. Hanggang sa nakapagpagawa na ng aming physical store ang Angieren’s Customized Food in Bilao pinagsamang name ko at ni nanay dahil na din sa pagtutulungan ng buong pamilya."

Read also

Donnalyn Bartolome, ibinahagi ang pangyayari bago ang pagkikita nila ni Ivana Alawi

Ngayon, hindi na kailangang mangibang bansa pa muli ni Karen at kanyang mister dahil sa maayos na takbo ng kanilang negosyo at mayroon na rin silang sariling tahanan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, ilang OFW din ang nagbahagi ng kwento sa KAMI na kinapulutan talaga ng aral ng mga netizens.

Isa na rito ang kababayan sa Saudi mayroong napakabuting amo na ipinamili siya ng mga grocery items at iba pa niyang mga pangangailangan.

Mayroon din naman na kahit aminadong maliit ang kita sa abroad ay nakapagpatayo pa rin ng sarili niyang bahay at nakabili ng sarili niyang lupa na katas pa rin ng pagsasakripisyo niya na mawalay sa kanyang pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica