Ina na nahagip ng truck noong Mother's Day, nabulag ang 1 mata

Ina na nahagip ng truck noong Mother's Day, nabulag ang 1 mata

- Hustisya ang panawagan ng kaanak ng isang 31-anyos na babae matapos mahagip ng fire truck sa Pateros noong May 9

- Sa kasamaang-palad, kinailangan pang tanggalin ang kanang mata nito dahil sa aksidente

- Sa isang CCTV footage, kita ang pagsalpok ng pagewang-gewang na fire truck sa biktima at isang sasakyan

- Agad namang naaresto ang driver ng truck at ngayon ay naka-detina na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hustisya ang panawagan ng mga kaanak ng isang 31-anyos na babae matapos itong mahagip ng fire truck ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Pateros noong May 9.

Sa report ng Manila Bulletin, sumalpok ang fire truck sa noon ay naglalakad na si Tiar kasama ang kaibigang si Salome Perez sa isang sidewalk sa M. Almeda Street sa Brgy. Magtanggol.

Sa kasamaang-palad, kinailangan pang tanggalin ang kanang mata ng biktimang si Annie Tiar sa isang operasyon noong May 11 sa Quirino Memorial Medical Center dahil sa aksidente.

Read also

Buntis na nagka-COVID, naka-survive kahit sinabihang baka di na mabuhay pa

Ina na nahagip ng truck noong Mother's Day, nabulag ang 1 mata
Photo: Victim Annie Tiar and her common-law husband Douglas Lazarra (Einna Mendoza Tiar)
Source: Facebook

Isang nakaparadang kotse rin ang nasalpok ng truck habang isang lalaking nakamotor naman ang muntik na ring mahagip.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon sa kinakasama ni Tiar na si Douglas Lazarra sa panayam dito ng MB, nagpa-plano na sana silang ikasal ng biktima at mayroon nang 2-anyos na anak.

"Sana mabigyan ng hustisya ung nangyari sa asawa ko," ani Lazarra.

Ayon dito, stable na ang kalagayan ni Tiar ngunit hindi pa rin nakakapagsalita.

Nangyari ang aksidente noong linggo, Mother's Day 2021.

Sa panayam ng GMA News sa kasama ni Tiar na si Perez, malayo pa lang daw ay nakita na nilang pagewang-gewang ang fire truck.

"Walang wang wang. Wala lahat. Clear ang daan. Nandoon na kami sa gilid. Bakit pa kami nasagasaan? Sabi 'ko kay Anne na, 'Anne, tabi!' 'Di pala niya ako narinig," sabi nito.

Read also

2020 viral video ng frontliner na binalot ang anak para lang mayakap, inalala

Batay sa mga pulis, walang sunog na nirerespondehan ang truck at pabalik na sana sa istasyon. Hindi rin nakainom ang driver na kinilalang si Fire Officer 2 Ramon Lactao II batay sa medical examination dito.

Kasalukuyang naka-detain si Lactao sa police station sa Brgy. Sta. Ana. Ayon kay Chief Inspector Karl Blando ng BFP Pateros, abot-langit daw ang pagsisisi ni Lactao sa nangyari. Nangako rin ang BFP na tutulong sila sa biktima.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isa pang report ng KAMI, isa namang health worker ang namatay matapos makaladkad ng isang tricycle.

Isa namang lalaking ikakasal na sana ang pumanaw matapos mabunggo ng isang truck.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone