Buntis na nagka-COVID, naka-survive kahit sinabihang baka di na mabuhay pa
-Isang buntis sa London ang muntik na raw mapahamak nang magkaroon ng COVID-19
-29 linggo pa lang ang kanyang ipinagbubuntis nang isugod siya sa ospital at 'di inasahang iluluwal na niya ang kanyang baby
-Dahil sa komplikasyon dulot ng virus ay mabilis na lumala ang kanyang lagay
-Sinabihan na raw siya na maaaring hindi sila maka-survive mag-ina dahil dito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isang buntis sa London ang muntik nang mapahamak matapos tamaan ng COVID-19.
Ang 27-anyos na si Marriam Ahmad ay 29 linggong buntis nang isugod ito sa Grange hospital sa Cwmbran, Wales noong Enero matapos magpositibo sa virus ayon sa ulat ng Evening Standard.
Nang mga oras daw na iyon ay hindi inasahan ni Marriam na magtatagal siya sa ospital kaya hindi na niya dinala ang kanyang hospital bag.
Ang ginang ay inatake ng asthma at dahil na rin sa komplikasyon dulot ng COVID-19, mabilis na lumala ang kanyang lagay.
"All of a sudden, my oxygen mask was on a much higher setting - I couldn’t hear properly," anito sa panayam ng BBC. "It was very loud. I had someone washing my face, looking after me. I was very weak."
Dahil dito, sinabi ng mga doktor na kailangang mai-deliver niya ang kanyang baby sa pamamagitan ng Caesarean section. Ilang oras lang lumipas ay napagdesisyunang isailalim na siya sa induced coma.
Ayon sa report ng Arab News, sinabihan daw si Marriam ng mga doktor na maaaring hindi sila maka-survive ng kanyang anak at magpaalam na sa mga mahal sa buhay.
"It just happened so quickly. It was within about five minutes, they told me ‘you’re going on a ventilator, you’re having a c-section, the baby’s going to come out, you’ll be unconscious, you might not make it. Say goodbye," sabi nito.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"I facetimed my parents and I was crying. It was only like a two-minute phone call — my mum was like ‘what are you talking about?’ I was lonely and I was scared. I didn’t even speak to my husband or my son," dagdag pa ni Marriam.
Ang kanyang asawa ay nagbabantay sa kanilang 1-anyos na panganay na anak at tinatawagan lang ng mga doktor.
Isinilang ni Marriam ang kanyang baby noong Jan. 18, 2021, na may timbang na 1.17 kg lang.
Sa labis na pagkagulat naman ng mga doktor, nagising si Marriam kinabukasan pagkatapos ng halos 24 oras.
Laking pasasalamat naman nito na napagtagumpayan nilang mag-ina ang banta ng kapahamakan dulot ng virus.
Napag-alaman ng KAMI na nakauwi rin ang sanggol ni Marriam makalipas ang ilang linggo.
"I am just so grateful — that she’s still alive, that I am still alive," sabi pa nito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Samantala, sa isa pang report ng KAMI, isa namang babae sa Mali ang nagsilang ng siyam na sanggol ng sabay-sabay habang may pandemya.
Isang babae naman na hindi alam na siya pala ay buntis ang nanganak sa isang flight patungong Hawaii.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh