Kara David, ibinahagi ang achievements ng mga anak ni Cesar Apolinario
- Ibinahagi ng batikang mamamahayag na si Kara David ang tungkol sa mga karangalang natanggap ng anak ng yumaong kaibigan at kapwa mamahayag na si Cesar Apolinario
- Simula nang yumao si Apolinario noong taong 2019, naging iskolar na ng Project Malasakit ang mga anak nito
- Pinasalamatan din ng mamamahayag ang lahat ng mga sumuporta at tumulong para sa pag-aaral ng mga bata
- Matatandaang pumanaw si Apolinario noong December 13, 2019 dahil sa sakit na lymphoma
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa kanyang Instagram post, masayang ibinahagi ng batikang mamamahayag na si Kara David ang tungkol sa magandang karangalang natanggap ng anak ng yumaong kaibigan at kapwa mamahayag na si Cesar Apolinario.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nagbahagi din si Kara ng maiksing mensahe para sa yumaong kaibigan.
Pareng Cesar, huwag kang mag-aalala, your kids are doing great. Para sa iyo ito, mahal kong kaibigan.
Bukod dito, pinasalamatan ni Kara ang lahat ng sumuporta at tumulong para sa lahat ng pangangailangan sa pag-aaral ng mga bata.
Salamat sa GMA Network Inc. , sa mga boss namin na nag-shoulder ng tuition ng mga bata, sa mga reporters, news anchors, hosts at mga kaibigan na patuloy na nag-aambag sa tuition at pangangailangan ng mga bata. Salamat sa inyong suporta. At siyempre kay Mareng Jhoy Apolinario sa pag-gabay sa mga bata.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Si Kara Patria Constantino David-Cancio ay isang journalist at television host. Siya ang news anchor ng News to Go na umiere sa GMA News TV. Isa din siyang host at writer para sa i-Witness.
Siya ang tagapagtatag at pangulo ng Project Malasakit, isang foundation na layong tulungan ang mga taong kanyang napapalabas sa kanyang dokyumentaryo. Sa katunayan, isang Mangyan na iskolar nila ang naging usap-usapan matapos makapasa sa Licensure Exam for Teachers.
Ilan sa mga parangal na natanggap niya ay 2007's Ten Outstanding Young Men (TOYM) award, the Outstanding Women in the Nation's Service (TOWNS award) at Peabody Award.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Matatandaang kabilang si Kara sa naghayag ng kanyang saloobin kaugnay sa pagsasara ng ABS-CBN na maituturing na mahigpit na kaumpetensiya ng istasyong kanyang kinabibilangan.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh