Isang Mangyan na scholar ni Kara David, pasado sa licensure exam for teachers
-Isa sa mga Mangyan na scholar ng beteranang mamamahayag na si Kara David ay pumasa sa licensure exam for teachers
-Sa IG post ni Kara, buong pagmamalaki niyang ipinagmalaki ang tagumpay nito
-Isa lamang ito sa mga katutubong tinulungan ng foundation na Project Malasaki na itinatag ni Kara noong 2002
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Buong pagmamalaking ibinida ng sikat at beteranong mamamahayag na si Kara David ang tagumpay ng katutubong Mangyan na si Patrick Reyes .
Sa pamamagitan ng Instagram post ni Kara, ibinahagi niya ang tagumpay ni Reyes na nakapasa sa licensure exam for teachers (LET).
Ayon kay Kara, nakilala niya si Patrick ilang taon na ang nakakaraan nang gumawa siya ng dokumentaryo tungkol sa mga katutubong Mangyan sa Mindoro.
Kwento pa ng Kapuso broadcast journalist, isang masipag na bata si Patrick na nangarap na maging isang guro para makatulong sa kanilang lugar na tila napag-kaitan ng edukasyon.
Isa lamang si Patrick sa mga scholar na natulungan ng foundation na Project Malasakit na itinatag ni Kara noong taong 2002.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read
Layon ng kanilang grupo na maging tulay para sa mga Pilipinong nais tumulong at sa mga Pilipinong nangangailangan ng tulong.
Ang pinaka-unang scholar na napagtapos ng Project Malasakit ay si Myra Demillo noong 2006.
Sa kasalukuyan ay mayroong 15 scholar ang foundation sa buong bansa.
Samantala, bukod sa Panginoon, nagpasalamat din si Kara sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanila.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI
Source: KAMI.com.gh