Mga driver at konduktor ng bus, napilitan nang manlimos dahil sa kawalan ng kita

Mga driver at konduktor ng bus, napilitan nang manlimos dahil sa kawalan ng kita

- Napipilitan nang mamalimos ang ilang mga driver at konduktor ng bus dahil sa kawalan ng kinikita

- Naapektuhan ang kanilang trabaho magmula umano nang magkaroon ng mga libreng sakay sa EDSA Carousel Bus

- Hindi na sila pinapasok pa ng kanilang kompanya mahigit isang buwan na ang nakalipas

- Labag man sa kanilang kalooban, sumasampa muli sila sa mga bus upang makahingi ng tulong sa mga pasahero

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot na sa pamamalimos ang ilan sa mga tsuper at konduktor ng bus dahil nawalan na umano sila ng trabaho mahigit isang buwan na ang nakalipas.

Nalaman ng KAMI na nagsimula ito noong magkaroong libre sakay para sa mga authorized persons outside of residence (APOR) sa mga tinatawag na EDSA Carousel Bus.

Ilang driver at konduktor ng bus, namamalimos dahil sa ilang buwang walang kita
Photo from PxHere
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Read also

Pia Wurtzbach, kinaaliwan sa kanyang kwelang selfie katabi ang isang malaking mangga

Nakapanayam ng GMA News ang dalawang konduktor na pikit-matang namamalimos para lamang may maisuporta sa kanilang pamilya.

"Limang linggo na kaming ginugutom ng gobyerno kaya ngayon humihingi kami ng tulong-suporta at labag man sa kalooban namin ito, kapit na kami sa patalim," ayon kay Philip Elequin isa sa mga konduktor na dating nangongolekta ng pamasahe, ngayon ay nangongolekta ng tulong mula sa mga pasahero.

Mula raw kasi ng magkaroon ng libre pasahe sa mga APOR, ilan lamang sila sa hindi na muling pinapasok pa ng kanilang kompanya.

Ayon naman sa kasamahan pa ni Elequin na si Edmel Salisad, gutom na ang inaabot ng kanyang pamilya lalo na at buntis pa ang kanyang misis. Kaya naman matiyaga siyang nanghihingi muna ng tulong lalo na at wala rin naman silang suporta na natanggap mula sa kanilang kompanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Asawa ng nag-viral na lola na nakikiusap na makadaan sa pader ng BuCor, pumanaw na

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Libo-libong PUV drivers ang naapektuhan ng tigil-pasada buhat nang mag-pandemya.

Isa na rito si Alberto Manuel Jr. na dala ng kanyang edad, hindi na rin nakabalik pa sa pamamasada. Dahil dito, nanatili pa rin ang kanyang "pagkakalog" o pamamalimos sa kalsada na siyang pinagkukunan niya ng mga pangangailangan niya sa araw-araw.

Gayunpaman, mayroon tayong mga kababayan na nabigyan sila ng tulong upang maibsan ang matinding suliranin sa kawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica