Video ni Moira Dela Torre na may bitbit na "shield" habang kumakanta, viral

Video ni Moira Dela Torre na may bitbit na "shield" habang kumakanta, viral

- Agaw-eksena online ang video ni Moira Dela Torre kung saan may hila-hila siyang shield habang kumakanta

- Kinagiliwan ito ng ilang mga netizens na sa una'y nagtaka kung bakit tila may props ang singer

- Kalaunan, naisip ng netizens na ito ay bilang pag-iingat ni Moira lalo na at hindi naman ito makapagsusuot ng mask habang kumakanta

- Marami lalo ang namangha sa kanya na sa kabila ng pandemya, ay nagpapaunlakan pa rin niya ng magandang performance ang mga tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post ng netizen na si Angelo Greg Cruz kung saan makikita si Moira Dela Torre sa isang event na kumakanta na mayroong "shield".

Makikita sa video na habang kinakanta ni Moira ang isa sa mga popular niyang kanta na "Tadhana", hila-hila din niya ang "shield."

Nagbiro pa umano si Angelo na tila "Wind shield" ang dala ng singer.

Read also

Jelai Andres, kinaaliwan sa kanyang pasaring tungkol sa couple earrings

Video ni Moira Dela Torre na may bitbit na "shield" habang kumakanta, viral
Photo: Moira Dela Torre (@moiradelatorre)
Source: Facebook

Ngunit nilinaw naman niyang paborito niya si Moira at hindi raw niya intensyong i-bash ito.

Maging ang ilang netizens ay aminadong nagtaka sa tila "props" ni Moira na kalaunan naman ay naintindihan nila ang dahilan kung bakit kinailangang gumamit nito.

Bilang pag-iingat ni Moira, dahil sa patuloy na paglaganap ng virus at hindi niya mapo-proteksyunan ang kanyang sarili sa pagsusuot ng mask gayung siya ay kumakanta.

Kaya naman, ang 'shield' ang nagsilbing pananggalang nito at para na rin sa kapakanan ng mga nakakaharap niyang tao.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Tama naman 'yang naisip nilang gawin kasi hindi naman pwede mag-mask si Moira"
"'Yan ang new normal ng mga performers, at least nag-ingat siya para na rin sa sudience niya"
"Sobrang galing pa rin talaga ni Moira kaya kahit may shield, swabe pa rin siyang pakinggan"

Read also

Mother's day balloon surprise sa isang ina, pareho ng sinapit sa kantang "Ako ay may lobo"

"I super love her, safety precaution po yang ginawa niya and isa pa, napakagaling pa rin talaga ng performance niya."
"Go girl! As a singer, di ka naman pwede mag-face mask sa live no'! You did the right thing idol. Sobrang galing mo pa rin po"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang video na ibinahagi ni Angelo at mula rin sa Tiktok ni @atenyochona:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Moira dela Torre ay isang kilalang singer songwriter sa bansa na nagpasikat ng mga awiting "Malaya", "Tagpuan", at "Ikaw at Ako." Ang awiting Titibo-tibo ay unang nagpasikat sa kanya matapos itong manalo sa Himig Handog 2017.

Kamakailan, matapang na ibinahagi ni Moira ang tungkol sa kanyang mga personal na pinagdaanan sa sarili at maging sa kanyang mga magulang.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel