Lolang nag-viral, nakatanggap ng tulong mula sa netizens matapos mabiyuda
- Bumuhos ang tulong mula sa mga netizens na naantig sa kalagayan ni lola Juville Bartolo
- Ito ay matapos muling mag-viral ang kanyang kwento kaugnay sa pagpanaw ng kanyang asawa
- Si lola Juville ang matandang babae na nakuhanan ng picture sa tinayong pader ng BuCor sa access road ng mga taga NHA-Southville 3 Muntinlupa
- Umabot sa P94,875. 93 ang halagang nalikom sa pamamagitan ng Facebook Page na Muntinlupa News Express
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Abot-abot ang pasasalamat ni lola Juville Bartolo sa mga taong nagbigay ng tulong sa kanya matapos mag-viral ang kwento niya kasunod ng pagpanaw ng kanyang asawang nagkasakit.
Siya ang lolang nakuhanan ng litrato sa pader na itinayo ng BuCor sa access road ng mga taga NHA-Southville 3 Muntinlupa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matapos ibahagi ng Facebook Page na Muntinlupa News Express ang kanyang kwento, bumuhos ang tulong para sa matanda.
Marami naman ang nagpasalamat at humanga sa mga taong nagbigay ng tulong lalo na sa admin ng Muntinlupa News Express Page na naging tulay para maipaabot ang tulong pinansiyal na umabot sa P94,875. 93. Mayroon ding nagbigay ng mga vitamins para kay lola.
Sa tulong ng mga kawani ng baranggay, naipaabot ang tulong at maayos din ang paghawak sa pera para masiguradong ma-monitor at mailaan sa tamang pagkakagastusan ang pera.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Unang nag-viral ang litrato ni lola Juville Bartolo na kuha sa pader na pinatayo ng BuCor sa acces road ng mga taga NHA-Southville 3 Muntinlupa. Pansamantala lang umano itong isasara kasama ng iba pang ruta bilang pag-iingat sa COVID-19 at sa isyung panseguridad. Gayunpaman, walang ibinigay na petsa kung hanggang kailan ang pagsara.
PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Ang pagpapatupad ng mga lockdown sa iba't-ibang lugar sa bansa ay isinagawa upang maiwasan ang lalong pagdami ng mga kaso ng COVID-19. Kasalukuyang sinasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila. Matatandaang noong Marso 15, 2020 unang sumailalim sa lockdown ang NCR.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh