Delivery rider, nawindang sa customer na pinapatagos siya sa pader
- Ikinawindang ng isang delivery rider ang naging mensahe sa kanya ng customer na kanyang dadalhan sana ng kanyang order
- Ito ay kaugnay sa kanyang binigay na instruction kung paano mararating ng delivery man ang kanilang lugar
- Pinapatagos siya nito sa pader bukod pa sa kailangan niyang tumawid umano sa dagat para mai-deliver ang kanyang order
- Agad na nag viral ang nasabing post ng delivery rider na umani ng samu't saring reaksiyon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hindi lang ang delivery rider ang nawindang kundi maging ang mga netizens ay nawindang sa isang customer na nagbigay ng instruction sa delivery rider kung paano nito madedeliver ang kanyang parcel.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Binahagi ng isang delivery rider ang mensahe ng nasabing customer na pinapatagos siya sa pader matapos niyang makita ang green na bangka.
Aniya, kailangan lang tumawid ng rider sa dagat at makadaan na ito sa pader na kanyang tinutukoy.
Dahil dito, sinagot siya ng rider kung magic wall daw ba yun dahil sa kanyang pagkabigla sa binigay nitong instruction.
Sagot naman ng customer, marami na raw nag deliver sa kanya at bukod-tangi lang daw itong delivery rider na ito na hindi kayang tumagos sa pader.
Agad namang umani ng mga reaksiyon mula sa mga netizens at mga delivery rider ang nasabing post na umabot na sa mahigit 50,000 ang shares sa Facebook.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ang pagiging delivery rider ay isa sa mga patok na trabaho sa kasalukuyan dahil sa kinakaharap na pandemya. Dahil sa mga lockdown ay nauuso ang pagbili ng pagkain sa pamamagitan ng internet. Dito sa Pilipinas, ilan sa mga kilalang delivery service ay Grab Express, Lalamove, Mr. Speedy, Fastrack at marami pang iba.
PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Samantala, naawa umano si MMDA spox Celine Pialago sa sinitang Grab driver at may sorpresa umano siyang balak ibigay.
Isa namang residente ng Quezon City ang hinuli matapos niyang kuhanin ang kanyang inorder na pagkain.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh