Andi Eigenmann, ibinahagi ang throwback photo ng unang TVC shoot nila ni Ellie

Andi Eigenmann, ibinahagi ang throwback photo ng unang TVC shoot nila ni Ellie

- Kinagiliwan ng mga netizens ang super cute na throwback photo nina Andi Eigenmann at panganay niyang anak na si Ellie

- Kuha raw ito limang taon na ang nakalipas kung saan limang taong gulang pa lamang din si Ellie

- Halos 'twinning' pa ang suot nilang damit para sa pinakaunang TV commercial nilang mag-ina

- Bukod kay Ellie, may dalawa pang supling si Andi na sina Lilo at ang bunsong si Koa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Andi Eigenmann ang super cute na throwback photo nila ng panganay na si Ellie.

Nalaman ng KAMI na kuha ito sa kanilang unang TV commercial shoot, limang taon na ang nakalipas.

Sa kanyang Instagram story, makikita na terno outfit pa sila ni Ellie na noo'y nasa limang taong gulang pa lamang.

Andi Eigenmann, ibinahagi ang throwback photo ng unang TVC shoot nila ni Ellie
Photo: Ellie and Andi Eigenmann ( @andieigengirl)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Read also

Maja Salvador, apektado daw ang career nang makipagrelasyon kay Gerald Anderson

Matatandaang ang TV commercial na ito ay para sa Belo Baby colognes noong 2016.

Tila isang bonding moment sa mag-ina ang kanilang kauna-unahang TV commercial at kitang-kita namang nag-enjoy maging si Ellie sa proyektong ito.

Ibinahagi rin ng News5 ang naturang larawan:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, madalas ding magbigay ng update si Andi tungkol sa kanyang happy family life sa kanyang mga social media accounts lalo na sa kanilang YouTube channel na "Happy Islanders."

Nito lamang nakaraang linggo, ibinahagi nina Andi at fiancé na si Philmar Alipayo ang surf session nila kasama si Baby Lilo.

Mayroon na silang 2.09 million subscribers sa kanilang YouTube channel.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Andrea Nicole Guck Eigenmann or Andi Eigenmann ay isang Filipina actress at model. Siya ay anak ng mga batikang aktor at aktres sa bansa na sina Mark Gil at Jaclyn Jose.

Read also

Zia Dantes, sumingit sa morning workout ni Daddy Dingdong Dantes

Nito lamang Enero, ipinanangak ni Andi ang kanyang ikalawang baby sa fiancé na si Philmar. Sa pagkakataong ito, biniyayan na sila ng baby boy at pinangalanan nila itong Koa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel