Community pantry sa Cebu, lumevel up at gumayak ala-Star Wars
- Kakaibang gimik ang hatid ng isang community pantry sa Cebu
- Lumevel up ang isang grupo na nag-costume pa ala-Star Wars
- Ilang miyembro ng 501st Cebu Scarif Garrison ang nagbigay ng tulong sa pamamagitan ng in na in na community pantry
- 44 na pamilya na nabiktima ng sunog ang nabigyan ng tulong ng grupo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Kakaibang "force" ang ginamit ng isang grupo sa Cebu para makapaghatid ng tulong sa pamamagitan ng isang community pantry roon.
Ang ilang miyembro ng 501st Cebu Scarif Garrison, lumevel up at nag-costume pa ala-Star Wars.
Sa Facebook post ng The Freeman, makikita ang ilan sa mga ito na naka-costume pa ng ilan sa mga sikat na karakter ng nasabing Hollywood film.
44 na pamilyang biktima ng sunog District 4, Barangay Pulpogan sa Consolacion town ang nabiyayaan ng tulong ng grupo.
Umani naman itong papuri mula sa mga netizens at narito ang ilan sa mga komento:
"Salute to them and wearing it in this heat, you guys literally have the force with you!"
"The force is strong on these blessed people."
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"gagayahin to panigurado ng mga ibang taga community pantries. un iba avengers, justice league or power rangers theme haha."
"Noble indeed. May the Force be with you all."
"This is the way! May the Fourth be with you!"
Nitong nakaraang mga linggo, nagsulputan sa iba't ibang sulok ng bansa ang mga community pantries na hango sa Maginhawa community pantry sa Quezon City. Simple lang ang konsepto nito, magbigay ayon sa kakayahan at kumuha batay sa pangangailangan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sa isa pang report ng KAMI, mapapa-sana all ka talaga sa laki at bongga ng community pantry sa isang barangay sa Bulacan. Kumpleto ito mula sa mga gulay, bigas, itlog at isda.
Naging kontrobersiyal naman ang itinayong community pantry ng aktres na si Angel Locsin matapos magkagulo roon.
Isang senior citizen na pumila ang bigla na lang hinimatay at kalaunan ay binawian ng buhay. Agad namang humingi ng sorry ang aktres.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh