Veteran entertainment editor na si Ricky Lo, pumanaw na sa edad na 75

Veteran entertainment editor na si Ricky Lo, pumanaw na sa edad na 75

- Sumakabilang buhay na ang respetadong entertainment columnist at editor na si Ricky Lo

- Kinumpirma ito ng kapatid niyang si Susan Lee na humihiling na igalang muna ang kanilang oras ng pagluluksa

- Kakatapos lamang ng ika-75 na kaarawan ni Lo noong Abril 21

- Mula 1969 hanggang sa huling sandali niya ay naging bahagi na siya ng entertainment indusrty sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sumakabilang buhay na ang respetadong entertainment journalist na si Ricky Lo sa edad na 75.

Nalaman ng KAMI na binawian ng buhay si Lo nitong Martes, Mayo 4 ng gabi.

Sa ulat ng PEP, kinumpirma ng kapatid ni Lo na si Susan ang pagpanaw ng respetadong kolumnista.

Veteran entertainment editor na si Ricky Lo, pumanaw na sa edad na 75
Photo: Ricky Lo (@ therealrickylo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Andi Eigenmann, ibinahagi ang throwback photo ng unang TVC shoot nila ni Ellie

Hiling din nitong bigyang respeto muna ang kanilang oras ng pagluluksa sa pagkamatay ng kapatid.

Ayon sa ABS-CBN, bandang alas-diyes ng Mayo 4 nang bawian ng buhay si Lo dahil sa stroke.

Huling naisulat ni Lo sa kanyang "Funfare" column sa The Philippine Star ang artikulong 'The future of the industry' noong Mayo 3. At may nailathala pa rin para ngayong Mayo 5 na tungkol sa mga Thai Superstars.

Ibinahagi niya ang kanyang panayam sa TBA Studios president na si Vincent “Ting” Nebrida.

Tubong Las Navas, Northern Samar si Lo at nakapagtapos siya ng kursong AB English sa University of the East.

Nagsimula siya bilang editorial assistant ng Variety magazine mula noong 1969.

Taong 1986 naman nang magsimula siyang maging regular na kolumnista ng The Philippine Star.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Maja Salvador, apektado daw ang career nang makipagrelasyon kay Gerald Anderson

Mas nakilala si Lo nang maging co-host siya ng The Buzz ng ABS-CBN noong 1999. Hanggang sa naging bahagi rin siya ng Startalk ng GMA noong 2008.

Nakatanggap din siya ng kabi-kabilang parangal at pagkilala sa pagiging isang mahusay na manunulat lalo na sa patungkol sa industriya ng showbiz.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, dalawang personalidad sa showbiz ang pumanaw. Una na rito ang "Jukebox Queen" at tinaguriang "Karen Carpenter" ng bansa na si Claire Dela Fuente.

At nito lamang Sabado, Mayo 1, sumakabilang buhay na ang isa sa kilalang stand-up comedian at naging co-host ni Willie Revillame sa Wowowin na si Le Chazz.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica