22-anyos, nakapag-ipon ng limpak-limpak na ₱20 sa isang malaking drum

22-anyos, nakapag-ipon ng limpak-limpak na ₱20 sa isang malaking drum

- Hinahangaan ngayon ang isang 22-anyos na nagawang mag-ipon isang malaking drum na puno ng bente pesos

- Kamakailan ay binuksan na niya ang isang malaking container drum na puno ng mga ₱20

- Naisipan niyang gawin ito buhat nang sila ay masunugan at wala talagang natira sa kanilang mga kagamitan

- Nagsumikap siya na maglako ng palamig, isda at water container kung saan niya nakukuha ang ₱20 naipon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang bumilib sa 22-anyos na si Gerdan Tolero dahil sa nagawa nitong mapuno ang isang malaking drum ng ipon niyang ₱20.

Nalaman ng KAMI na kamakailan ay naibahagi niya sa social media ang pagbubukas niya ng isang malaking container drum na naglalaman ng limpak-limpak na salapi.

Hindi man binanggit kung magkano na ang kabuuang bilang nito, makikita namang malaking halaga ito ng pera kung susumahin.

Read also

Jon Gutierrez, pinagtanggol ang asawang si Jelai Andres sa ina niya

22-anyos,nagkaroon ng limpak-limpak na salapi dahil sa naipong ₱20 sa malaking drum
Gerdan Tolero (Photo from Gemma Columna Tolero)
Source: Facebook

Kwento ni Gerdan sa panayam sa kanya ng Oscar Oida ng GMA News, naisipan niyang mag-ipon ng ₱20 nang sila ay masunugan noong nakaraang taon.

Natupok ng apoy ang lahat ng kanilang kasangkapan at ari-arian kaya alam niya ang pakiramdam ng walang-wala.

Ito ang nag-udyok sa kanya para mag-ipon ng ₱20 at hindi coins upang madali umanong madala sakaling magkaroon man ng sakuna.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nagsikap si Gerdan na maglako ng isda, palamig at maging mga water container. Dito niya nakukuha ang iniipon niyang bente pesos sa isang araw.

Iwas din sila sa anumang luho at binibili lamang kung ano talaga ang kailangan lang ng kanilang pamilya.

Ibinahagi niya ang kanyang kakaibang ipon challenge para maka-inspire sa iba at makaisip din ng kanilang diskarte sa pag-iipon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Online seller na senior citizen, kumikita ng kalahating milyong piso kada live selling

Nito lamang nagdaang taon 2020, isa ring babae ang nakaipon ng isang timba na puno ng ₱50. Umabot sa 5-digit figure ang halaga ng nalikom niyang pera.

Hindi rin nalalayo rito ang ginawa ng isang OFW na nakaipon ng katumbas ₱140,000 sa loob lamang ng kalahating taon. Ito ay sa pagsusubi niya ng HK$ 20 hanggang sa mapuno ang isang malaking garapon.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ngayong panahon ng pandemya kung saan tila walang kasiguraduhan ang mga nangyayari, mainam pa rin na mag-impok sa kabila ng hirap ng buhay. Magsilbing inspirasyon sa atin ang nagawa nina Gerdan na mula sa walang-wala, marami na silang naimpok na salapi.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica