Online seller na senior citizen, kumikita ng kalahating milyong piso kada live selling

Online seller na senior citizen, kumikita ng kalahating milyong piso kada live selling

- Isang online seller na senior citizen ang kumikita ng ng kalahating milyong piso sa tuwing siya ay magla-live selling

- Naisipan lamang niya itong gawin buhat nang mamayapa ang isang malapit na assitant sa kasagsagan ng pandemya

- Tuloy-tuloy na ang pagyabong ng kanyang online selling business kung saan nakilala na siya ng kanyang mga suki

- Payo niya sa mga tulad niyang senior citizen na, subukan pa rin ang pagnenegosyo tulad ng online selling na kayang-kayang gawin kahit nasa bahay lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahanga-hanga ang isang senior citizen na si Ma. Lourdes Domingo na isa sa mga kilalang online seller na kumikita na ng nasa Php500,000 sa tuwing siya ay magla-live selling.

Nalaman ng KAMI na bagaman at nagsimula lamang siya buhat nang mag-pandemya. limpak-limpak na ang kanyang kinikita.

Kwento pa ni Domingo o mas kilala bilang si "Mommy Luth" sa kanyang mga suki, naisipan lang niya ang mag-live selling dala ng lungkot sa pagkamatay ng kanyang assistant na malapit sa kanya.

Read also

Viral "spaghetti" na ipinagpasalamat ng birthday boy, recipe pala ng yumaong ama

Online seller na senior citizen, kumikita ng kalahating milyong piso kada live selling
Photo from Pixabay
Source: UGC

Talagang napa-wow ang host ng "Hirit ni Mareng Winnie" na si Winnie Monsod nang malaman ang laki ng kinikita ng panauhin niya sa kanyang programa sa pagbebenta lamang ng 20 bags sa kada live selling session nito.

Mismong ang mga mamahaling bags ni Mommy Luth na magaganda pa ang kalidad ang kanyang ibinibenta.

Gayunpaman, naikwento niyang marami rin silang preparasyon para live selling na kaniyang ginagawa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Sinisiguro niya kasi na maayos ay maganda pa ang mga bags at nire-restore din nila ito kung kinakailangan. At siyempre, hinihikayat din nila ang kanilang suki na i-share ang kanilang live selling para mas marami pa ang makabili sa kanila.

Payo niya sa mga kapwa niya senior citizens na nais sumabak sa online selling: "Try ninyo, subukan ninyo. Kahit chocolate bumebenta online."

Read also

Birthday boy sa Bulacan, nagtayo ng community pantry kaysa magkaroon pa ng party

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ngayong karamihan sa atin ay mga nananatili pa rin sa ating mga tahanan dahil sa banta ng COVID-19, patok na patok ang online business lalo na ang live selling.

Katunayan, sa live selling din naganap ang isang viral proposal kamakailan na hindi inaasahan ng mga suki ng seller. sa kalagitnaan kasi ng kanyang pagla-live ay bigla na lang nag-propose sa kanya ang kanyang kasintahan.

Samantala, hindi rin naman mawawala ang mga pagsubok sa ganitong uri ng negosyo. Kamakailan, umantig sa puso ng netizens ang isang live seller na isa lamang ang viewer.

Sa kabila nito, nanatili pa rin siyang positibo at kinakitaan pa lalo siya ng pagpupursige sa kanyang pagnenegosyo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica