Toni Fowler, tuluyan nang ipina-Tulfo ang ex-partner na si Rob Moya

Toni Fowler, tuluyan nang ipina-Tulfo ang ex-partner na si Rob Moya

- Tuluyan nang ipina-Tulfo ni Toni Fowler ang kanyang ex-partner na si Rob Moya

- Ilang bagay ang mga idinulog ni Toni patungkol sa dati niyang nobyo at ilan sa mga ito ay ang kanyang ATM card at ilang kotse

- Tila malakas pa raw ang loob ni Rob gayung sa kanya nakapangalan ang mga kotse na si Toni naman umano ang nagbayad

- Ayon pa kay Toni, nababanggit pa rin daw ni Rob ang pangalan ng kanyang anak na si Tyronia kung saan naamin pa nitong nagastos niya ang savings umano ng bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humantong na sa programa ni Raffy Tulfo ang umano'y magulong paghihiwalay ng dating vlogger couple na sina Toni Fowler at Rob Moya.

Nalaman ng KAMI na dumulog muli si Toni sa 'Wanted sa Radyo' upang tuluyan nang ireklamo ang dating nobyo kaugnay sa ilan pang mga "unsettled business" nito sa kanya.

Read also

GF na nanlimas ng Php1.8 million ng kanyang nobyo, nagtatago na

Inuna ni Toni ang kanya umanong ATM na hawak ni Rob. Nilinaw niyang sa kanya pa rin naman ito nakapangalan, ngunit dala ng tiwala sa dating nobyo na itinuring niyang "asawa", ipinagkatiwala niya ito rito.

Toni Fowler, tuluyan nang ipina-Tulfo ang ex-partner na si Rob Moya
Photo: Toni Fowler
Source: Facebook

Naikwento pa nga niya na nagugulat na lamang daw siya noon na darating si Rob na nagpapasalamat sa kanya.

Iyon pala, gamit ang kanyang pera, nakabili na ng sasakyan si Rob nang hindi muna isinasangguni sa kanya.

Katunayan, apat na sasakyan ni Rob ang sa kanya nakapangalan ngunit pera naman ni Toni ang ginamit niyang pambili ng mga ito. Nais din sanang makuha ni Toni ang mga ito.

Isa rin sa mga idinulog ni Toni kay Tulfo ay ang patuloy na pagbanggit pa ni Rob ng pangalan ng kanyang anak na si Tyronia. Bagaman at hindi naman napapanood ng bata, binalaan na raw kasi ni Toni na huwag nang babanggitin pa ni Rob ang pangalan ng kanyang anak na unti-unti na rin naman daw na nakaka-move on sa pag-alis ng itinuring niyang ama sa loob ng tatlong taon.

Read also

Komedyante sa 'Wowowin' na si Le Chazz, sumakabilang buhay na

Nabanggit pa rin daw kasi ito ni Rob nang minsang inamin niya sa isa sa kanyang mga vlog na nagastos niya ang savings ni Tyronia at inihingi naman na niya ito ng tawad.

Dahil sa tila patong-patong ang reklamo ni Toni sa dating partner, "Good luck sa'yo Mr. Moya" ang nabanggit ni Tulfo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng episode mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Toni Fowler ay isa sa mga kilalang YouTube content creator sa bansa. Nakilala siya nang husto nang madawit ang kanyang pangalan sa hiwalayan ng isa pang vlogger couple na sina Jelai Andres at Jon Gutierrez.

Kamakailan, tila nagbigay pahiwatig na si Toni ng posibleng paghaharap nila ng dating nobyo na si Rob Moya sa Raffy Tulfo in Action gayung may ilang bagay pa itong dapat na ibalik umano sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel