Toni Fowler, pinapabalik kay Rob Moya ang 2 sasakyang siya ang nagbayad

Toni Fowler, pinapabalik kay Rob Moya ang 2 sasakyang siya ang nagbayad

- Inalmahan ni Toni Fowler ang pagkakabanggit ng pangalan ng anak niyang si Tyronia sa isang vlog kung saan kasama si Rob Moya

- Aniya, pwede naman sanang pakiusapan ni Rob ang kasamahan niyang huwag nang banggitin ang pangalan ng anak niya

- Nabanggit din niyang nakiusap siya noon kay Rob na huwag nang isama ang pangalan ng anak sa mga content

- Dahil dito ay gusto nang bawiin ni Toni ang dalawang sasakyan na siya umano mismo ang nagbayad noong magkasama pa sila ni Rob

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling umalma si Toni Fowler dahil nakarating sa kanya ang video kung saan nabanggit ang pangalan ng anak na si Tyronia sa isang vlog ng kasama ni Rob Moya na si Whamos Cruz.

Aniya, sana ay matigil na ang paggamit sa anak niya para sa mga content na ginagawa ng kanyang dating karelasyon.

Read also

Social media influencer na ri Rosmar Tan, naiyak dahil na-bully umano siya

Toni Fowler, pinapabalik kay Rob Moya ang 2 sasakyang siya ang nagbayad
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon kay Toni, dati niya nang pinakiusap kay Rob na huwag nang banggitin ang pangalan ng anak dahil ayaw niya nang muling makaladkad ang pangalan nito lalo at unti-unti na umano itong nagiging okay mula sa kanilang paghihiwalay.

Dahil sa pangyayaring ito, pinapabalik ni Toni ang 2 sasakyan na siya din uman ang nagbayad. Kahit wag na umano nitong ibalik ang pera.

Ayon pa kay Toni nito lamang niya nalaman ang mga sinasabi ni Rob sa social media dahil naka-block umano siya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sumikat nang husto si Toni Fowler matapos masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina Jelai Andres at Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

Jon Gutierrez, aminadong na-karma siya matapos magka-injury sa tuhod

Dumami ang sumuporta sa kanila at maging sa ibang kasamahan nila sa Toro family.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Naging viral kamakailan si Toni matapos niyang ibahagi ang kanyang bagong hairstyle. Naging usap-usapan din ang reaksiyon ni Rob Moya matapos ang paglabas ng mga litrato ni Toni.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel