Jon Gutierrez, aminadong na-karma siya matapos magka-injury sa tuhod

Jon Gutierrez, aminadong na-karma siya matapos magka-injury sa tuhod

- Sa kanyang bagong YouTube channel, ibinahagi ni Jon Gutierrez ang bagong mga vlog

- Ito ay matapos umano siyang masabihang huwag gagamitin ang YouTube account nila ng asawang si Jelai Andres

- Kaya naman minabuti na lamang niya na gumawa ng sarili niyang channel kahit pa naniniwala siyang may karapatan siya sa kanilang YT channel na Jolia

- Sa video na binahagi ni Jon, makikita ang kanyang pakikipaglaro ng basketball kung saan natumba siya at namaga ang kanyang tuhod

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mismong si Jon Gutierrez ang nagbanggit na nakarma siya nang natumba siya habang naglalaro ng basketball at namaga ang kanyang tuhod.

Mayroon na ring pagkakataon na namaga iyon noon at muli itong naulit ngayon.

Jon Gutierrez, aminadong na-karma siya matapos magka-injury sa tuhod
Jelai Andres and Jon Gutierrez (@easymoneybadger)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Kris Aquino, sinupalpal ang netizen na nagpatutsada sa kanyang pagtulong

Ang nasabing video ay binahagi ni Jon sa kanyang bagong YouTube channel. Aniya, napagpasyahan niyang gumawa ng sariling YouTube channel dahil may mga nagsabi umanong dapat ay huwag niya nang gamitin ang YouTube channel nila ng asawang si Jelai Andres.

Ang kanilang YouTube channel na Jolai ay mayroon nang mahigit 3 milyong subscribers.

Sa video na binahagi ni Jon, makikita ang kanyang pakikipaglaro ng basketball kung saan natumba siya at namaga ang kanyang tuhod.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nakilala sina Jelai Andres at Jon Guttierez dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook. Si Jelai ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion.

Matatandaang nakipaghiwalay si Jelai kay Jon noong Marso 2019 matapos nag-viral ang kontrobersiyal na Facebook live ni Toni Fowler, ang itinuturong third party sa kanilang relasyon.

Read also

Kaye Abad, inaming type noon si Paolo Contis ngunit ayaw ng nanay nito sa kanya

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kinakiligan naman ng kanilang fans ang Valentines Day date nila noong nakaraang taon matapos ang kanilang paghihiwalay.

Hindi tumigil si Jon sa panunuyo sa asawa para mapatawad siya umano nito at maibalik ang dati nilang pagsasama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel