Buntis na misis, hinalikan muna ng mister bago itinulak sa bangin

Buntis na misis, hinalikan muna ng mister bago itinulak sa bangin

- Nagtamo ng grabeng injuries ang isang babaeng Chinese pagkatapos itong mahulog sa bangin sa Thailand

- Ayon sa pahayag nito, itinulak siya ng kanyang mister habang siya ay nagdadalangtao

- Sinubukan pang itago ng lalaki ang krimen nang magpanggap itong walang alam at sinamahan sa ospital ang biktima

- Sa kabutihang-palad ay nakaligtas ang biktima ngunit nag-iwan ng malaking pinsala sa kanya ang nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagtamo ng grabeng injuries ang isang babaeng Chinese matapos itong sadyang ihulog ng kanyang mister sa isang bangin sa Thailand, habang nagdadalangtao.

Batay sa report ng South China Morning Post, inilahad ng ginang ang krimen sa ospital kung saan siya dinala matapos siyang makita ng isang turista na nakahandusay sa isang trail sa Pha Team National Park.

Lumalabas na nahulog ang biktimang si Wang Nan mula sa taas ng bangin na tinatayang nasa 34 metro at tumama sa mga puno.

Read also

Kim Chiu, natawa na lang nang mahulog sa entablado ng It's Showtime

Buntis na misis, hinalikan muna ng mister bago itinulak sa bangin
Photo: Wang Nan boyfriend arrested by the officers in Thailand (@asiaonecom)
Source: Twitter

Ayon sa ulat ng Bangkok Post, naaresto ang lalaki matapos ilahad ng biktima ang totoong nangyari sa isang doktor. Nagawa pa raw kasi nitong takutin ang biktima at magpanggap na walang alam sa krimen.

Base naman sa report ng Asia One, nagawang humingi ng tulong ng biktima sa isang kaibigan na para mai-record sa conversation nilang mag-asawa kung saan inamin nito ang krimeng ginawa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nangyari ang krimen noong June 2019, dalawang taon pagkatapos ikasal ang dalawa. Ayon sa mga ulat, ginawa ng lalaki ang krimen upang makakuha ng pera mula sa insurance ng asawa.

Lumabas sa imbestigasyon na maraming utang ang lalaki at nais nitong bayaran iyon lahat ng kanyang asawa. Noong una ay tinulungan pa ito ng biktima ngunit noong 2019, laking gulat daw nito nang pinagbabayad siya ng asawa ng dalawang milyong yuan ngunit kalahati lang ang kanyang binayaran. Hinala ng biktima ito ang naging mitsa ng krimen.

Read also

Bride-to-be na nakahuli sa pambabae umano ng fiancé, naglabas ng saloobin

Ngayon, pagkatapos ng ilang taon ay inilahad ni Wang Nan ang kanyang istorya upang kapulutan ng aral.

"I came forward because I want other women to learn from me," sabi nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isa pang report ng KAMI, isang ginang na buntis ang paulit-ulit na inayaman ng kanyang kinakasama sa kabila ng kalagayan nito.

Isang ginang naman ang labis-labis ang pighati matapos madiskubreng ang tatay pala ng anak ng kanyang bestfriend ay mismong asawa niya.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel