Babaeng biglang pinagbabaril, nasabi pa ang pangalan ng suspek bago mamatay

Babaeng biglang pinagbabaril, nasabi pa ang pangalan ng suspek bago mamatay

- Patay ang isang ginang sa Ilocos Sur matapos itong biglang pagbabarilin

- Ang suspek na nakilala pa at naisuplong pa ng biktima bago malagutan ng hininga

- Lumalabas na bayaw ng biktima ang suspek na itinanggi naman nito

- Ayon sa inisyal na imbestigasyon, posibleng may kinalaman sa ilegal na droga ang motibo sa pagpatay sa ginang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Patay ang isang ginang sa Cabugao, Ilocos Sur matapos itong biglang pagbabarilin habang patungo ito sa isang tindahan para magpa-load.

Kinilala ang biktima na si Jovita Baclig, 47-anyos at residente ng Barangay Pug-os, batay sa report ng GMA Regional TV Balitang Amianan.

Pero bago malagutan ng hininga, nasabi pa umano ng biktima kung sino ang bumaril sa kanya.

Babaeng biglang pinagbabaril, nasabi pa ang pangalan ng suspek bago mamatay
Photo: Crime scene (screen grab from Balitang Amianan)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Malolos LGU, iniimbistigahan ang umano'y ginanap na pista sa Barangay Look 1st

Ayon sa ulat, ang bayaw na si Emilio Baclig ang bumaril sa ginang na mariin naman nitong itinanggi.

Sabi ni Police Major Franco Catalan, hepe ng Cabugao Police Station, lumalabas na inabangan ng suspek ang biktima.

"Naglalakad itong biktima habang ang suspek ay naghihintay na nakatago sa mga damuhan sa gilid ng kalsada," anito.

Batay sa report ng GMA News, nasaksihan ng anak ng biktima ang krimen habang ang isa pang anak nito ay may recording pa ng huling pag-uusap nila ng ina bago ito mamatay kung saan sinabi umano nito kung sino ang suspek.

Lumilitaw na may dati nang alitan ang biktima at suspek dahil pinaghihinalaan ng huli ang pinaslang na ginang na nagsusumbong sa mga ilegal na gawain nito.

Base naman sa report ng ABS-CBN News, dati nang sumuko ang suspek at biktima dahil sa ilegal na droga.

Napag-alaman ding nakakulong ang isang kapatid ng suspek dahil din sa ilegal na droga.

Read also

Anak at dalawang ama na umaako sa kanya, ipapa-DNA test ni Raffy Tulfo

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isa pang report ng KAMI, sugatan ang isang magkasintahan sa Pangasinan matapos pagbabarilin ng isang sundalo.

Samantala, isang 31-anyos na ginang naman ang natagpuang patay ng kanyang mister na sundalo sa Camarines Sur.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel