Malolos LGU, iniimbistigahan ang umano'y ginanap na pista sa Barangay Look 1st

Malolos LGU, iniimbistigahan ang umano'y ginanap na pista sa Barangay Look 1st

- Pinaiimbistigahan ngayon ng Malolos LGU ang naganap na fiesta sa Barangay Look 1st

- Sa isang video na ay makikita ang mga residente na hindi sumunod sa social distancing habang nasa isang parada

- Ikinadismaya ni Malolos Mayor Bebong Gatchalian ang pangyayari at inatasan na ang kapulisan na mag-imbestiga

- Ayon naman sa Punong Baranggay na si Romy Santiago, hindi napagpaalam sa kanya ang nasabing piyesta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Iimbistigahan ng Malolos, Bulacan LGU ang naganap na pagtitipon kamakailan kung saan nagkaroon ng parada sa isang piyesta na naganap sa Barangay Look 1st, Malolos, Bulacan.

Makikita sa isang video ang mga residente na hindi sumusunod sa social distancing kaya paglabag ito sa pinapatupad na health protocols.

Malolos LGU, iniimbistigahan ang umano'y ginanap na pista sa Barangay Look 1st
Passengers wearing face shields sit next to plastic dividers, as part of health protocols imposed by authorities on passenger jeepneys against the COVID-19 (Photo by TED ALJIBE/AFP)
Source: Getty Images

Sa isang ulat ni Mark Salazar's sa "24 Oras," makikita sa nasabing video na wala ding suot na face mask at face shield ang mga lumahok sa parada.

Read also

Nurse, ipinasilip ang halaga ng natanggap na Special Risk Allowance

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ikinadismaya ni Malolos Mayor Bebong Gatchalian ang pangyayari at inatasan na ang kapulisan na magsagawa ng imbestigasyon hinggil dito.

Ayon naman sa Punong Barangay ng Look 1st Barangay na si Romy Santiago, wala siyang alam sa idinaos na pagdiriwang.

Base sa isang ulat sa Manila Bulletin sa panulat ni Freddie Velez, kabilang ang Malolos at San Jose Del Monte sa may pinaka mataas na bilang ng naitalang COVID cases sa buong Bulacan province.

Naiulat naman ni Vinzon F. Concepcion ng Philippine Information Agency ang pagdagdag ng 200 hospital beds ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan para sa mga COVID-19 cases bilang bahagi ng kahandaan para sa pagtaas ng kapasidad sa health facility.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Kaso kaugnay sa pagkamatay ni Christine Dacera, tuluyan nang ibinasura

Matatandaang nagpatupad ng enhanced community quarantine para sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Layon ng quarantine na maiwasang patuloy na magkahawa-hawa ang coronavirus sa mas marami pang tao.

Nagpatupad na rin ng mga quarantine ang ibang mga lalawigan.

Ang COVID-19 o Corona Virus Disease ay sanhi ng severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 (SARS-CoV-2). Unang nakapaminsala sa tao ang virus na ito noong 2019 sa Wuhan, ang capital ng Hubei province sa central China. Sa kasalukuyan, unti-unti nang nakakabawi ang China mula sa dagok na dala ng pandemic na ngayon ay namiminsala na rin sa maraming bansa kabilang na ang Pilipinas.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay umabot na sa mahigit 1 milyon ang naitalang COVID-19 cases sa Pilipinas. Maging ang mga health care workers na tinamaan ng COVID sa bansa ay dumami din.

Read also

Napakalaki at bonggang community pantry sa Bulacan, trending na sa socmed

Sa katunayan, isang doktor ang pumanaw kamakailan matapos siyang tamaan ng COVID sa pangalawang pagkakataon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate