Gerald Anderson, naki-celebrate sa kaarawan ng bunsong anak ni Marjorie Barretto

Gerald Anderson, naki-celebrate sa kaarawan ng bunsong anak ni Marjorie Barretto

- Sa video na binahagi ni Marjorie Barretto sa kanyang YouTube channel, pinakita niya ang naging preparation para sa kaarawan ng kanyang bunsong anak

- Binahagi niya rin sa nasabing video ang pagsalo-salo nila ng kanyang mga anak na sina Leon, Julia, Claudia, Dani at asawa nitong si Xavi

- Hindi rin nakalampas sa mga netizens na naroroon din ang boyfriend ni Julia na si Gerald Anderson

- Matatandaang ang unang video na ginawa ni Marjorie sa kanyang YouTube Channel ay ang birthday din ng bunsong anak na si Erich noong nakaraang taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kasama din si Gerald Anderson sa celebration ng birthday ng bunsong anak ni Marjorie Barretto na si Erich. Kasama ito ni Julia na pumunta sa bahay ni Marjorie.

Pinasilip ni Marjorie ang naging preparation ng kanilang pagdiriwang at maging ang kanilang pagsalo-salo sa kanilang mga nakahandang pagkain.

Read also

Jon Gutierrez, aminadong na-karma siya matapos magka-injury sa tuhod

Gerald Anderson, naki-celebrate sa kaarawan ng bunsong anak ni Marjorie Barretto
Gerald Anderson and Julia Barretto (juliabarretto)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kumpleto ang mga anak ni Marjorie sa nasabing pagdiriwang. Bukod kina Erich, Leon, Julia, Claudia, Dani at asawa nitong si Xavi, kasama din si Gerald na nahagip din ng camera paminsan-minsan.

Bukod doon ay dinig din ang kanyang boses kahit hindi siya masyadong nakikita sa video.

Matatandaang ang unang video na ginawa ni Marjorie sa kanyang YouTube Channel ay ang birthday din ng bunsong anak na si Erich noong nakaraang taon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Gerald Anderson ay unang sumikat sa mundo ng showbiz matapos niyang mapabilang sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother kung saan nakasama niya si Kim Chiu. Naging katambal niya sa maraming pelikula si Kim na naging kasintahan niya rin sa totoong buhay.

Read also

Heart Evangelista, pinasilip ang pinapagawang bahay ng kanyang daddy sa Sorsogon

Gayunpaman, nagkahiwalay sila at na link sa ibang mga aktres si Gerald kagaya nina Maja Salvador, Bea Alonzo at Sarah Geronimo.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang naging usap-usapan nang aminin sa wakas ni Gerald ang tungkol sa relasyon nila ni Julia Barretto sa isang exclusive interview ni Boy Abunda sa kanya.

Kamakailan ay nagbahagi din ng kanyang pahayag si Bea tungkol sa naging relasyon nila ni Gerald sa isang panayam kay G3 San Diego.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel