Disenyo ng pumanaw na si Francis Magalona, ipinagmalaki ng anak na si Maxene

Disenyo ng pumanaw na si Francis Magalona, ipinagmalaki ng anak na si Maxene

- Ipinagmalaki ng aktres na si Maxene Magalona ang disenyong nilikha ng kanyang namayapang ama na si Francis Magalona

- Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Maxene ang kilalang disenyo ng Master Rapper

- Marami na agad Pinoy fans ang nagnanais na magkaroon ng katulad ng disenyong iyon na dati nang nakikita sa mga t-shirts na ibinebenta ng pamilya Magalona

- Hindi nito maitatanggi ang labis na pagmamahal ng mga Pilipino sa isa sa mga itinuturing na legend ng OPM

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinagmalaki ng aktres na si Maxene Magalona ang disenyong nilikha ng kanyang namayapang ama na si Francis "Kiko" Magalona.

Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Maxene ang larawan ng kanyang slippers na may disenyong parang sa watawat ng Pilipinas na dati na nating nakikita sa mga t-shirts na likha rin ni Kiko.

Read also

German ambassador na humanga sa community pantry, nag-donate sa Maginhawa QC

Marami na agad Pinoy fans ang nagnanais na magkaroon ng katulad nito, kahit pa iyong mga nasa ibang bansa.

Disenyo ng pumanaw na si Francis Magalona, ipinagmalaki ng anak na si Maxene
Photo: Maxene Magalona (@maxenemagalona)
Source: Instagram

"This was one of the first designs our Pop FrancisM made when he was still alive," ayon sa post ni Maxene.

Hindi nito maitatanggi ang labis na pagmamahal ng mga Pilipino sa isa sa mga itinuturing na legend ng musikang Pinoy.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, kamakailan lang ay naibalita ng KAMI nang ihayag ng asawa ni Maxene na si Rob Mananquil ang dahilang kung bakit magkalayo silang mag-asawa kasalukuyan.

Si Max ay nasa Pilipinas na at ang mister naman ay nasa Bali, Indonesia pa kung saan nanatili ang mag-asawa ng isang taon.

Ayon dito, matagal na silang naghihintay na makauwi sa bansa ngunit nahirapang makapag-book ng flight hanggang sa magkaroon ng three-month commitment sa Manila si Maxene kaya ito nakauwi.

Read also

Kris Aquino, sinupalpal ang netizen na nagpatutsada sa kanyang pagtulong

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Maxene Sofia Maria Arroyo Magalona-Mananquil ay isang Filipino actress at yoga teacher. Anak ito ng sikat Filipino rapper na si Francis Magalona. Ikinasal ito sa musician na si Rob Mananquil noong January 11, 2018 sa Boracay.

Sa isa pang report ng KAMI, ibinahagi ng mag-asawa na napagdesisyunan nilang hindi muna mag-anak dahil sa pinagdaraanan ni Maxene.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel