Nikki Gil, masayang binahagi ang tungkol sa pagdadalang-tao

Nikki Gil, masayang binahagi ang tungkol sa pagdadalang-tao

- Binahagi ni Nikki Gil ang tungkol sa kanyang pagbubuntis sa kanyang pangalawang anak

- Nitong araw ng Linggo, April 18, nagbahagi si Nikki ng litrato kasama ang panganay na si Finn

- Sa unang pagkakataon ay pinakita niya rin ang kanyang baby bump kasabay ng pagsasapubliko ng pagdadalang-tao

- Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga netizens at mula sa mga kasamahan ni Nikki sa showbiz noong nag-aartista pa siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinakita ni Nikki Gil sa unang pagkakataon ang kanyang baby bump. Base sa kanyang post, nagdadalang-tao si Nikki sa ikalawang anak nila ng asawang si BJ Albert.

Sa kanyang Instagram post nitong Linggo, April 18, nagbahagi siya ng dalawang picture kung saan hawak niya ang kanyang tiyan at ang isa naman ay kasama ang kanyang panganay na anak na si Finn.

Read also

Jennica Garcia, 'di napigilang maging emosyonal sa kanyang pinagdadaanan

Nikki Gil, masayang binalita ang tungkol sa pagdadalang-tao
Nikki Gil-Albert (@nikkigil)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Agad na bumuhos ang pagbati para sa dating aktres. Marami sa mga netizens ang nakapansin sa pagiging maaliwalas at blooming ni Nikki.

Matatandaang pinanganak ni Nikki ang panganay na si Finn noong November 20, 2017.

Wala mang pormal na pag-anunsiyo, isinapubliko ni Nikki ang tungkol sa kanyang unang pagbubuntis noong July 2017 sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga litrato kung saan halata na ang kanyang pagbubuntis.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Nikki Gil o Monica Pauline Gil-Albert sa totoong buhay ay isang mang-aawit, aktres, modelo at dating VJ. Nakilala siya sa pagiging bahagi ng teleseryeng Pieta at sa kanyang mahusay na pagganap sa remake ng Mula sa Puso noong 2009. Ikinasal siya sa businessman na si BJ Albert sa isang garden ceremony sa Laguna noong 2015.

Read also

Derek Ramsay, tinanong ng nanay ni Ellen kung sigurado na ito sa pagpapakasal

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa kabila ng kanyang pag-iwan sa mundo ng showbiz matapos siyang mag-asawa, ibinahagi ni Nikki na hindi niya pinagsisihan na mas pinili niyang bigyan ng pagpapahalaga ang pagbuo niya ng pamilya.

Kamakailan ay marami ang humanga sa pinamalas na talento ni Nikki sa painting.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel