Teacher, minura ng kanyang estudyante: "Napakasakit! Nanginginig pa rin ako"

Teacher, minura ng kanyang estudyante: "Napakasakit! Nanginginig pa rin ako"

- Labis na nagdaramdam ang isang guro matapos siyang murahin ng isa sa kanyang mga estudyante

- Nais lang naman daw nitong makahabol ang naturang estudyante dahil hindi nito nakukumpleto ang ilang activities nila

- Kaya naman kahit na hindi siya nito nire-replyan ay matiyaga pa rin niyang ni-remind ang bata upang makahabol

- Ngunit laking pagkadismaya ng guro nang makatanggap siya ng mura rito sa chat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Labis na nagdaramdam ang isang guro matapos siyang murahin ng isa sa kanyang mga estudyante.

Sa isang Facebook post ng teacher na si Cham Lijat, ibinahagi nito ang kanyang naramdaman matapos ang ginawa ng bata.

Ayon kay Lijat, nais lang naman daw nitong makahabol ang naturang estudyante dahil hindi nito nakukumpleto ang ilang activities nila.

Teacher, minura ng kanyang estudyante: "Napakasakit! Nanginginig pa rin ako"
Photo: Philippine teachers on distance learning
Source: Getty Images

Kaya naman kahit na hindi siya nito nire-replyan ay matiyaga pa rin niyang ni-remind ang bata upang makahabol at makasamang makapagmove-up sa Grade 11.

Read also

Single mom na OFW, masayang inaabot ang mga pangarap para sa mga anak

Ngunit laking pagkadismaya ng guro nang makatanggap siya ng mura rito sa chat.

Binura naman daw ng bata ang "pagmumura" nito sa kanya ngunit hindi na raw nito mabubura ang sakit na naidulot sa kanya bilang isang guro.

Narito ang ilang bahagi ng post ni Lijat:

Napapost ako dahil gusto kong maglabas ng sama ng loob. Gusto ko ring mabasa ito ng mga magulang upang maunawaan nila ang dapat nilang maunawaan.

May estudyante ako na hindi pumapasok sa Virtual Class magmula pa noong Oct. 5 na nagsimula ang klase. Hindi rin sya nagpapasa ng kanyang output. In short, wala syang grade magmula noong 1st Grading.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

In my part as his teacher, hindi ako nagkulang sa pagremind sa kanya. Kahit siniseen lang nya ang messages ko ay patuloy pa rin ako sa pagmessage sa kanya. Iniintindi ko sya dahil baka nga nahihirapan sa setup ngayon ng klase namin. Baka hirap maka-adapt sa new normal education.

Read also

Homeowner, nawindang sa bote ng softdrink na natagpuang nakabaon sa pader

Malawak na pagpapasensya at pag-iintindi ang ibinigay ko dahil MAHAL KO ANG MGA ESTUDYANTE KO. Anak / Nak nga ang tawag ko sa kanila kahit hindi ko sila kadugo

Ang hindi ko matanggap ay yung sa kabila ng PAGMAMAHAL na ibinibigay ko ay "P******* MO" ang matatanggap ko.

Nagmessage ako sa kanya ng mga dapat nyang ipasa para makahabol sya at makasamang makapagmove-up sa Grade 11.

Nagpasa naman sya ng ilan pero ganito ang message nya

"Ayan na maam p******** mo".

NAPAKASAKIT. Nanginginig pa rin ako. Hindi ko alam kung dahil sa galit o dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Binura nya ang message nya at humingi ng sorry.

Maaalis ba ng salitang sorry yung sakit na naiparamdam mo sa akin? Ha anak?

Sa walong taon kong pagtuturo, ito ang natanggap ko.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Susi ng kotse na nawala sa parking lot, naibalik ng mabait na nakapulot

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isa pang report ng KAMI, nag-reply pa rin ang isang guro sa kanyang estudyanteng nag-text kahit na ikakasal na ito.

Isa namang guro ang umantig sa puso ng marami. Nalaman ng KAMI, na tinapos muna nito ang mga grades ng kanyang mga estudyante bago pumanaw.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone