Video ng feeding program na inakalang nanghuhuli ng walang face mask at shield, viral

Video ng feeding program na inakalang nanghuhuli ng walang face mask at shield, viral

- Kinagiliwan ng mga netizens ang video ng isang feeding program na napagkamalang nanghuhuli ng mga nakatambay sa labas

- Buti pa rito, wala raw face mask at shield ang mga babaeng nagkumpulan sa isang tindahan

- Mabilis na kumalas ang mga ito sa pag-aakalang sila ay sisitahin

- Ngunit mabilis din silang nakabalik nang malamang namamahagi pala ng libreng lugaw ang mga lulan ng sasakyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang post tungkol sa isang feeding program na inakalang mga nanghuhuli ng nakatambay sa labas at mga walang face mask at face shield.

Nalaman ng KAMI na ibinahaging muli ng netizen na si Yiv Cortez ang video kung saan makikita kung gaano kabilis kumalas ang mga babaeng nagkikwentuhan sa may tindahan.

Inakala kasi ng mga ito na huhulihin sila bilang sila ay nakatambay at wala pa silang face mask at face shield.

Read also

Vlogger, natulungan ang mag-asawang matanda na halos hindi nabibigyan ng ayuda

Video ng feeding program na inakalang nanghuhuli ng walang face mask at shield, viral
Photo from Yiv Cortez
Source: Facebook

Ngunit nang makitang namimigay pala ng lugaw ang mga sakay ng sasakyan, mabilis namang bumalik ang mga babae at nagpasalamat sa 'di inaasahang biyaya.

Tuwang-tuwa naman ang mga netizens sa naturang video dahil tila "na-wow mali!" ang mga babae sa may tindahan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ang ilan naman, nagpaalalang nararapat na magsuot pa rin ng mask ang mga babae proteksyon nila sa COVID-19. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ang bilis tumakbo nina mother, pero mabilis ding kumuha ng lugaw"
"Wow mali sina ate, huli pero di kulong, lugaw po kayo diyan"
"Mapapasarap lalo ang kwentuhan nila dahil nagkaroon pa sila ng instant merienda, ingat lang po kayo mga momshie!"
"Huli sina ate, pero lugaw pala! kaso ingat ingat din po, suot pa rin ng mask lalo na kung hindi kayo magkakasama sa bahay"

Read also

Video ng umano'y kababalaghang nangyari sa isang bahay, viral na

"Suot pa rin po kayo ng mask mga ate, pero nakaka-miss naman talaga ang makapag-chikahan sa mga amiga lalo na may biglaang pa-lugaw"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan lamang ay naging kontrobersyal ang pagde-deliver ng lugaw ng isang rider dahil inabot na ito ng curfew. Nasita na siya ng tanod dahil sa hindi raw essential ang kanyang ihahatid gayung pagkain naman ito.

Dahil dito nagbigay ng free delivery option ang Grab sa mga oorder ng lugaw kaya naman maraming customers ang napabili ng masarap at "essential" na lugaw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica