Jessica Soho, idinetalye ang naranasang "body shaming" sa Twitter
- Naikwento ni Jessica Soho ang naranasan niyang body-shaming sa Twitter
- Ito ay noon pang halos bagong labas pa lamang ang iPad nang isang lalaki ang nag-tweet nito na binigyang kaugnayan sa kanyang pangangatawan
- Nagtaka na lamang noon ang batikang broadcast journalist kung bakit ganoon na lamang kabastos ang taong nakapagsabi nito laban sa kanya
- Nabanggit din niyang minsan talaga siyang nagbabasa ng mga komento ng mga netizens sa Facebook page nila na "Kapuso mo, Jessica Soho"
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Aminado ang kilalang broadcast journalist na si Jessica Soho na nakakarating o nalamaman niya ang iba't ibang uri ng diskriminasyong naibabato sa kanya lalo na sa social media.
Nalaman ng KAMI na mismong si Jessica ang nagkwento ng kanyang naranasang body shaming mula sa isang lalaki sa Twitter.
Sa pilot episode ng podcast ni Howie Severino kung saan si Soho ang kanyang panauhin, idinetalye niya ang tweet ng 'di kilalang lalaki na nagkomento sa kanyang pangangatawan.
Nang bagong launch pa lamang ang iPad noon, ikinumpara ng 'bastos' na lalaki ang iPad na nagmumukha lamang umanong iPhone kung si Soho ang may hawak.
"Remember when they launched the iPad and then some wise guy tweeted, 'Oh, the iPad, when Jessica Soho holds the iPad, it looks like the iPhone.' So you know, I was body-shamed for that"
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Aminadong nang mga panahong iyon, baguhan pa lamang siya sa social media kaya naman nagtaka na lamang siya sa lakas ng loob ng 'di kilalang netizen na tahasan siyang ipinahiya sa Twitter.
"I said, What is this? I don't know how to navigate social media at all. I don't understand why people are so brazen and so mean. It's because of this anonymity"
Nabanggit din ni Jessica na paminsan-minsan din talaga ay siya mismo ang nagbabasa ng mga komento ng netizens sa Facebook page nila na Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho).
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Si Jessica Soho ay isang batikang broadcast journalist ng GMA News and Current Affairs. Kilala siya sa kanyang sikat na programa tuwing linggo na "Kapuso mo, Jessica Soho" (KMJS).
Isa sa mga tinutukang episode ng KMJS ay ang baby switching naganap sa isang ospital sa Rizal.
Umabot sa limang episodes ang naturang kwento hanggang sa mapunta na sa kani-kanilang mga tunay na magulang ang mga sanggol.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh