Prince Philip, Duke of Edinburgh, pumanaw na sa edad na 99
- Pumanaw na ang Duke of Edinburgh na si Prince Philip, asawa ni Queen Elizabeth II
- Ito ay kinumpirma mismo ng Buckingham Palace sa pamamagitan ng isang statement
- Ayon sa pahayag, pumanaw si Prince Philip, umaga ng April 9, oras sa Britanya
- Bago nito, ay napabalitang na-ospital ang prinsipe sa loob ng ilang linggo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Pumanaw na ang Duke of Edinburgh ng Britanya na si Prince Philip, asawa ni Queen Elizabeth II. Kinumpirma mismo ang balita ng Buckingham Palace.
Pumanaw si Prince Philip sa edad na 99 sa Windsor Castle, umaga ng April 9, 2021, oras sa Britanya.
"It is with deep sorrow that Her Majesty The Queen has announced the death of her beloved husband, His Royal Highness The Prince Philip, Duke of Edinburgh.
"His Royal Highness passed away peacefully this morning at Windsor Castle," ayon sa pahayag ng Royal Family.
"The Royal Family join with people around the world in mourning his loss.
"Further announcements will be made in due course."
Isang Online Book of Condolence naman ang inilabas ng palasyo sa royal website para sa mga taong nais magpahatid ng pakikiramay sa Royal Family.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"An Online Book of Condolence is now available on the Royal website for those who wish to send a personal message of condolence," ayon sa isang tweet ng The Royal Family.
Nakiusap din ang palasyo sa publiko na mag-donate na lang sa mga charity sa halip na magbigay ng floral tribute para kay Prince Philip.
"During the current public health situation, Books of Condolence will not be available for the public to sign.
"The Royal Family ask that members of the public consider making a donation to a charity instead of leaving floral tributes in memory of The Duke."
Nito lang Pebrero nang mapabalitang isinugod sa ospital si Prince Philip at nanatili ng ilang linggo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Si Prince Philip ay mula sa angkan ng mga dugong bughaw. Ipinanganak ito sa Greece noong June 10, 1921. Ikinasal ito kay Queen Elizabeth noong November 20, 1947 at nagkaroon ng apat na anak. Sina Charles, Prince of Wales; Anne, Princess Royal; Prince Andrew, Duke of York; at Prince Edward, Earl of Wessex.
Sa isa pang report ng KAMI, isang staff sa Buckingham Palace ang nagpositibo sa COVOD-19 at nagkaroon ng takot na ma-expose sa virus si Queen Elizabeth.
Naging usap-usapan din ang naging reaksyon nito sa mga alegasyon ng mag-asawang Harry at Meghan.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh