Mabuhay! Kelley Day, itinanghal na Miss Eco International first runner-up

Mabuhay! Kelley Day, itinanghal na Miss Eco International first runner-up

- Iuuwi ng ating pambato sa Miss Eco International 2021 na si Kelley Day ang titulo bilang first runner-up

- Ginanap ang nasabing international pageant noong April 4, Linggo, sa Egypt

- Sa isang panayam kay Kelley, nagpasalamat ito sa kanyang mga kapwa Pilipino

- Ang candidate na mula sa South Africa na si Gizzelle Uys ang itinanghal na Miss Eco International 2021

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nasungkit ng ating pambato sa Miss Eco International 2021, na si Kelley Day, ang titulong first runner-up sa nasabing pageant.

Ginanap ito sa Egypt nito lang April 4, Linggo (umaga ng Lunes sa Pilipinas).

Sa isang panayam kay Kelley ng Missosology, sinabi nitong masaya siya sa kanyang nakamit bilang pambato ng ating bansa.

Mabuhay! Kelley Day, itinanghal na Misss Eco International first runner-up
Photo: Miss Eco International 2021 (@real_missosology)
Source: Instagram

"I am really happy and I just hope the Philippines is proud," anito. "I had such a wonderful time and an amazing experience with all of these girls."

Read also

Beauty Gonzalez, binahaging isinugod sa ospital ang asawa dahil sa COVID-19

Nagpasalamat din si Kelley sa kanyang mga kapwa-Pinoy na sumuporta sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Thank you to the Philippines for putting me in this place right now, and I couldn’t have done it without all of you. Maraming salamat po," sabi ng dalaga.

Ang candidate na mula sa South Africa na si Gizzelle Uys ang mag-uuwi ng korona.

Nang tanungin si Kelley tungkol dito, sinabi nito na masaya siya na si Gizzelle ang nanalo.

"South Africa is so deserving... I am really happy that siya ang nanalo as well. Honestly, so many girls here really deserved it so I am really just blessed to be in the second position," sabi nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Pambato ng Pinas sa Eco International na si Kelley Day, wagi sa National Costume

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isa pang report ng KAMI, si Kelley Day din ang nakapag-uwi ng titulong 'Best in National Costume' sa naturang pageant.

Suot ni Kelley ang isang Maria Clara-inspired Filipiniana dress na gawa ng designer na si Louis Pangilinan.

Kamakailan lang nang magbunyi rin ang bansa sa pagkapanalo ni Samantha Bernardo bilang first runner-up sa Miss Grand International.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel