Rider, biktima ng bagong modus na pagsunog ng ide-deliver pa lamang na items

Rider, biktima ng bagong modus na pagsunog ng ide-deliver pa lamang na items

- Isang kaawa-awang delivery rider ang magbabayad na lamang umano ng mga items na damage dahil may nagsunog ng lagayan niya ng mga ito

- Ayon sa post ng mabait na customer, nakiusap ang rider na COD ang item na bayad dahil sa damage na ito

- Laking pasalamat ng delivery rider nang sabihin ng customer na huwag na niya itong bayaran

- Subalit ang lahat ng laman ng kanyang lagayan pawang may sira na dahil sa 'di malamang dahilan ng pagsunog ng kanyang lagayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang isang post tungkol sa isang delivery rider na biktima ng tila bagong modus na pagsusunog ng lagayan ng kanilang ide-deliver na mga items.

Nalaman ng KAMI bayad na ang item na ide-deliver ng rider subalit nakiusap ito na kung maaring cash on delivery na lamang dahil siya na raw ang magbabayad.

Read also

Kaibigan ng may COVID-19 na nagkulong sa kotse, inilahad ang huling sandali nito

Kaya naman inusisa ng uploader na si Kim Uayan kung bakit iminungkahi ng driver na siya na lamang umano ang magbabayad ng item.

Rider, biktima ng bagong modus na pagsunog ng ide-deliver pa lamang na items
Photo: Grab delivery rider (Wikimedia Commons)
Source: UGC
"Rider : Wala na pong bayad maam (paid by shopeepay na po ang order) pero ma'am makikiusap po kasi ako COD po sana siya ako po mag babayad, itatanong ko lang po kung magkano 'yung item. May nagsunog po kasi ng lagayan ko ng mga items na isi-ship. Lahat po ng item may damage. Babayaran ko na lang ma'am yung item niyo tapos order nalang po kayo pasensya po."

Dahil dito, agad na tinawagan ni Kim ang kanyang kapatid na siyang umorder. Ipinaliwanag naman niya ang nangyari at sinabi ng kapatid na huwag na itong pabayaran sa rider.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Tila nabunutan ng tinik at nakahinga ng maluwag ang rider na labis na nagpasalamat sa customer.

Read also

Customer, pinapasok ang delivery rider sa bahay sa takot na mahuli dahil sa curfew

Pakiusap ni Kim, sana'y itigil na ang walang pusong panloloko sa mga delivery rider na siyang nakapagbibigay ng malaking tulong sa atin lalo na ngayong panahon ng pandemya.

"Sa mga nagti-trip naman diyan, please maawa naman kayo sa mga rider natin. Kung hindi fake booking, ganyan. Nagtatrabaho po sila ng maayos kahit pandemic para may pangkain sa araw-araw. Kung wala kayong magawa wag kayo mang damay ng mga taong nagsisipag"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Marami ang nagsasabing isa sa maituturing na frontliners sa laban nating ito sa COVID-19 ang mga food delivery riders.

Sila ang halos buwis-buhay na kumukuha at nagdadala sa atin ng ating mga pagkain habang ang marami sa atin ay nakapirmi lamang sa kanilang tahanan.

Read also

Delivery Rider, naluha sa kabutihang ipinakita sa kanya ng customer

Nakalulungkot lamang isipin na sa kabila ng kanilang marangal na hanapbuhay ay may mga tao namang nagagawa silang lokohin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica