Church singer, naki-kanta sa isang blind musician para matulungan ito

Church singer, naki-kanta sa isang blind musician para matulungan ito

- Viral ang post ng tungkol sa isang singer na naisipan lang na tulungan ang blind musician sa gilid ng kalsada

- Narinig ng isang netizen ang magandang boses ng singer ngunit 'di naman daw ito ang lagi niyang nakikitang kumakanta sa lugar

- Inusisa niya kung kaano-ano ng singer ang gitaristang bulag, at sinabi niyang wala silang anumang ugnayan at nais lang niya itong tulungan

- Doon lalong humanga ang netizen kaya bukod sa pagtulong na ginawa niya sa musikero at ibinahagi rin niya ang kabutihan ng singer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng netizen na si Ruel Quinones ang nakaka-inspire na kwento na kanyang nasaksihan sa gilid lamang ng Plaza Divisoria sa Cagayan De Oro.

Nalaman ng KAMI na isa umanong church singer ang naisipang maki-jam sa bulag na musikero na madalas na kumanta habang naggigitara sa may botika ng nasabing lugar.

Read also

Sanggol na negatibo sa COVID-19, pumanaw habang naghahanap ng ospital

Ayon kay Ruel, naagaw ang pansin niya ng magandang tinig ng singer dahil hindi raw ito ang madalas nilang marinig na kumukanta sa may botika.

Church singer, naki-kanta sa isang blind musician para matulungan ito
Sina Regine at Allan (Photo from Ruel Quinones)
Source: Facebook

Nang siya'y lumapit, agad niyang inusisa ang babae na nagngangalang "Regine"

Unang kinanta nito ang "Kailangan ko'y Ikaw" na nakunan ng video ni Ruel.

Bukod sa nakamamanghang husay ng pagkanta ng babae, mas lalong humanga si Ruel nang malamang hindi pala kilala ng babae ang bulag na musikero. Hindi talaga sila magkasama.

Kwento ni Regine, nais lamang daw niyang tulungan ang musikero upang mas makalikom ito ng tulong mula sa mga dumaraan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dahil dito, hindi nagdalawang isip na magbigay ng tulong si Ruel sa kahon ng bulag na musikero.

Maging ang mga netizens ay humanga sa kabutihang ipinakita ni Regine sa musikerong nakilala nilang si Allan.

Read also

Lalaki sa QC na kukuha lang ng food delivery, dinampot ng mga tanod

Ilang netizens din ang nakakilala kay Regine at sinabing bokalista ito ng banda ng simbahan at maging ng kanilang koro.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Golden voice with a golden heart, May God shower you with more blessings!"
"Ito ang isa sa napagandang paraan para ibahagi ang iyong talento nang walang hinihinging kapalit"
"Parang naluluha pa si ate habang kumakanta, ibig sabihin she's singing from the heart"
"Kahanga-hanga ang ginawa ng singer, sana marami ang ma-inspire na tularan ang iyong kabutihan"
"Heartwarming scene. Hindi magkakilala at yung isa gusto lang tumulong, so amazing!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Basel Manadil, nagbigay ng 100x ng presyo ng lahat ng nabili bilang tulong sa magtataho

Sa panahon ng pandemya kung saan marami ang naghihikahos at nagsusumikap na ituloy ang takbo ng buhay, nakatutuwang isipin na may mga taong handang tumulong sa kanilang kapwa na higit na nangangailangan.

Maging ang mga sikat na at kilalang personalidad ay gumagawa na rin ng paraan para maibsan ang hirap na dinaranas ng marami sa ating mga kababayan.

Dahil dito, hiling ng marami na pamarisan sila nang sa gayon sa kabila ng dinaranas na krisis ay mapatunayan nating namumutawi pa rin ang pagmamahal at pagmamalasakit natin sa ating kapwa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica