Lazada buyer, dismayado dahil na-deliver kaagad ang kanyang order

Lazada buyer, dismayado dahil na-deliver kaagad ang kanyang order

- Isang seller ang nagbahagi ng naging pag-uusap nila ng kanyang customer sa kanyang online shop

- Tinanong niya ang nasabing buyer kung ano ang hindi nito nagustuhan sa kanilang serbisyo at 3 stars lamang ang binigay nitong rating

- Ayon sa buyer, nadismaya umano siya dahil dumating kaagad ang kanyang order nang sumunod na araw mula nang orderin nya ito

- Sinubukan namang magpaliwanag ng seller ngunit sarado ang isip ng buyer at nagreklamo pa umano ito sa mismong e-commerce company

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi inasahan ng isang seller na mag-viral ang kanyang post tungkol sa kanyang karanasan sa isang customer.

Ibinahagi nito ang screenshot ng kanilang pag-uusap matapos bigyan ng 3 stars ng customer ang kanyang online store.

Lazada buyer, nagalit dahil na-deliver kaagad ang kanyang order
Lazada (Photo Illustration by Guillaume Payen/SOPA Images/LightRocket)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Alex at Toni Gonzaga, nilinaw ang tungkol sa blind item tungkol sa kanila

Buong galang na tinanong ng seller ag nasabing customer kung ano ang hindi nito nagustuhan at 3 stars lamang ang kanyang rating.

Sagot naman ng buyer, dismayado siya dahil sa pagdating ng kanyang order nang sumunod na araw lamang mula nang umorder siya.

Aniya, dapat ay sabihan ng seller ang kanilang taga-deliver na huwag magdeliver kaagad. Katwiran pa niya, kaya siya doon nag-order dahil ang pagkakaalam niya ay ilang araw pa ang lilipas bago dadating sa kanya ang kanyang order.

Paliwanag ng seller, mabilis lang napadala ang produkto dahil malapit lang din ang tirahan ng buyer sa kanila.

Tila hindi naman kontento ang buyer sa naging paliwanag ng seller at nagpadala ng kanyang reklamo sa mismong e-commerce company kung saan napabilang ang online shop ng seller.

Agad naman nag-viral ang post ng seller dahil hindi umano ito pangkaraniwan. Kadalasan kasing nagiging reklamo ng mga kostumer ay ang mabagal na pagdating ng kanilang binili.

Read also

OFW sa Kuwait, humingi na ng saklolo sa tindi ng sinapit niya sa kanyang amo

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang pagbili sa mga online shops ay nauuso lalo na ngayong panahon na hindi ligtas ang paglabas at pamamasyal. Gayunpaman, marami din ang nakakaranas ng pagkakadismaya sa pag oonline shopping.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Maging ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid ay kinagiliwan sa ibinahaging litrato ng kanilang pinamili online. Maging ang ilang mga kaibigan nila sa showbiz ay hindi napigilang magreact.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel