Sharon Dacera, handa raw harapin ang kasong isinampa ng mga akusado sa pagkamatay ng anak

Sharon Dacera, handa raw harapin ang kasong isinampa ng mga akusado sa pagkamatay ng anak

- Tuluyan nang kinasuhan ng limang akusado sa kaso ni Christine Dacera ang ina nitong si Sharon gayundin ang abogado ng kanilang pamilya

- Kinumpirma ito ng abogado ng lima na si Atty. Mike Santiago matapos na sampahan ng kaso ng NBI ang kanyang mga kliyente

- Ayon kay Santiago, perjury, libel, at malicious prosecution ang demandang haharapin umano ng ina ni Christine

- Handa naman daw harapin ni Sharon ang mga reklamong ito basta't haharapin din ng mga akusado ang kasong inihain laban sa kanila ng PNP at NBI

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsampa na ng kaukulang reklamo ang kampo ng mga akusado sa kaso ni Christine Dacera laban sa ina nitong si Sharon at sa abogado nilang si Brick Reyes. Kinumpirma ito ni Atty. Mike Santiago nito lamang Marso 24 ng gabi.

Nalaman ng KAMI na maging ang apat na pulis ay kinasuhan na rin dahil sa unlawful arrests at illegal detention kina Rommel Galido at JP Dela Serna.

Read also

Lalaking pumasok sa iba't ibang trabaho mula pagkabata, isa na ngayong principal at negosyante

Ayon sa panayam ng News5 sa abogado ng limang akusado, magsilbing aral umano ito sa mga nagtatangka pa umanong manirang puri sa kanyang mga kliyente na sa tingin nila'y isang uri na rin ng harrassment.

Sharon Dacera, handa raw harapin ang kasong isinampa ng mga akusado sa pagkamatay ng anak
Christine Angelica Dacera: (Photo from @xtinedacera)
Source: Instagram
“This should serve as a warning against any and all individuals or entities who are out to malign or continuously harass our clients"

Dagdag pa ni Santiago, labis nang naaapektuhan ang kanyang mga kliyente sa mga nangyayari at nangangamba pa rin daw ang mga ito sa kanilang kaligtasan.

"We have been withholding the filing of these cases because of the danger to the security of our clients as well as their health concerns. Some of them have already become very sickly nowadays because of the stress that they have been enduring all this time.”

Perjury, libel, at malicious prosecution ang ilan sa mga kasong isinampa kay Sharon Dacera.

Slander and incriminating innocent person naman ang kasong inihain laban sa abogado ng mga Dacera na si Brick Reyes.

Read also

Toni Fowler, nilinaw ang tungkol sa nilabas na convo umano nila ni Vince

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Samantala, maging ang apat na mga pulis na sina Corporal Louie Lopez, Sergeant Jun Alimurong, Captain Danilo Oamil, at Colonel Harold Depositar ay kanila ring kinasuhan ng unlawful arrests at illegal detention na ginawa umano ng mga ito kina Rommel Galido at JP Dela Serna.

Sa pamamagitan ng isang text message, nakapaglabas agad ng saloobin si Sharon Dacera sa News5. Sinabi nitong haharapin niya ang reklamo ngunit harapin din muna umano ng mga akusado ang kasong isinampa sa kanila ng PNP at NBI.

Sa ulat ng PhilStar, matatandaang Marso 13 nang inihayag ng NBI ang kasong obstruction of justice, perjury at reckless imprudence resulting to homicidé ang 11 na akusado sa kaso ni Dacera.

Dahil dito, inihayag ng kampo ng mga akusado noong Marso 15 ang paghahanda nila ng counter-charges sa ina ni Dacera ayon sa ABS-CBN News.

Read also

Cleaning staff ng MRT-3 sa viral video, tuluyan nang tinanggal sa trabaho

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Tanghali ng Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay si Christine Dacera sa bathtub ng silid kung saan sila nagdiwang Bagong Taon sa City Garden Grand Hotel.

Agad pa noong inaresto ang tatlo sa mga nakasama ni Dacera subalit napalaya rin ang mga ito dahil umano sa kakulangan ng ebidensya.

Makalipas ang mahigit dalawang buwan mula nang pumanaw ang flight attendant, patuloy pa rin ang pagtakbo ng kaso lalo na at tuluyan nang kinasuhan ng NBI ang 11 na umano'y may kaugnayan sa kaso ni Dacera.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica