Toni Fowler, nilinaw ang tungkol sa nilabas na convo umano nila ni Vince

Toni Fowler, nilinaw ang tungkol sa nilabas na convo umano nila ni Vince

- Muling napilitang rumesbak si Toni Fowler matapos ilabas ng isang dummy Facebook account ang umano'y conversation nila ni Vince

- Si Vince ang taong tinukoy ni Toni Fowler noon na laging dumadamay sa kanya kaya nahulog ang loob niya dito

- Aminado si Toni na sa kanila nga ni Vince ang ibinahaging pagpapalitan ng mensahe ngunit nilinaw niyang walang masama sa kanilang pag-uusap

- Hindi lang umano nagustuhan ni Toni na nag-sorry sa kanya si Rob Moya ngunit halata naman umanong siya ang kumuha ng litrato ng nasabing conversation dahil sa naaninag na reflection nito sa screen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pa rin tapos ang patutsadahan ng magkabilang kampo sa hiwalayang Toni Fowler at Rob Moya. Ito ay matapos ang paglabas ng conversation umano nina Toni Fowler at Vince na umano'y magpapatunay na si Toni ang nagloko sa relasyon nila ni Rob.

Read also

Ivana Alawi, ikinuwento ang tungkol sa date kung saan napa-walkout siya

Toni Fowler, pinaliwanaga ang nilabas na convo umano nila ni Tito Vince
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinagot ito ni Toni sa pamamagitan ng isang live video at sinabing naging bukas siya kay Rob noon tungkol sa pagkakahulog ng loob niya sa ibang tao dahil wala itong oras umano sa kanya.

Inamin ni Toni na sa kanila nga iyon ni Vince ngunit ang hindi umano niya nagustuhan ay ang pagbabahagi pa nito sa publiko at halata naman umano kung sino ang kumuha ng litrato.

Aniya, matapos ang kanyang live video kamakailan humiling si Rob na sana ay matigil na ang gulo at nag-sorry umano ito sa kanya at kay Tyronia.

Ibinahagi ng isang Dummy account ang mga conversation ni Toni at Vince ngunit hindi lamang si Toni ngunit maging ang mga netizens at nakapansin sa reflection ng taong kumuha ng litrato ng mga convo na ayon sa kanila ay si Rob.

Read also

Gerald Anderson, ibinida ang video ng pagluluto ng Samgyupsal ni Julia Barretto

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nakilala ang tambalang Rob at Toni matapos masangkot ni Toni sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina Jelai Andres at Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at Rob hanggang sa unti-unting lumaki ang kanilang pamilya na kinabilangan ng malalapit nilang kaibigan at kamag-anak.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kilala sila sa tawag na Toro Family. Si Toni Fowler ay unang nakilala sa social media bilang isa sa mga RBreezy girls.

Matatandaang unang inamin ni Toni na single na siya. Kasunod nito ay nagbahagi din ng mga makahulugang mensahe si Rob sa social media.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel