Groom, literal na "na-fall" sa kanyang bride sa sana'y dip kiss photoshoot nila

Groom, literal na "na-fall" sa kanyang bride sa sana'y dip kiss photoshoot nila

- Viral ngayon ang mga larawan at video ng bagong kasal na nagtangkang mag-dip kiss subalit natumba

- Literal na "na-fall" ang groom sa kanyang bride sa paglabas nila ng simbahan at sa sana'y gagawin nilang dip kiss

- Inulit na lamang nila ito at naging maayos naman na sa mga susunod nilang attempts

- Kinagiliwan naman ito ng mga netizens at sinabing magiging memorable na talaga ang kasal ng dalawa dahil sa nakatutuwang eksenang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang nakatutuwang larawan at video ng bagong kasal na sina Jason at Princess Pascual.

Nalaman ng KAMI na literal na "na-fall" ang groom sa kanyang bride nang subukan nilang mag-dip kiss para sa kanilang pictorial sa labas ng simbahan.

Natumba ang dalawa at mabuti na lamang at malapit sila sa mga abay ng kanilang kasal na agad silang nasalo.

Read also

Basel Manadil, namahagi ng Php100,000 sa mga nadaanang jeepney drivers

Groom, literal na "na-fall" sa sana'y dip kiss nila ng kanyang bride
Photo screengrab from Dream Real Cinema
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nang agad makatayo ang dalawa, nag-take 2 muli sila ng dip kiss nila at naging maayos naman na ang kuha.

Aliw na aliw ang mg netizens at sinabing "no filter" daw talaga ang pictorial na ito na nakuha ang funny moment na ito ng kasalan nina Princess at Jason.

Mas magiging memorable pa raw ang kasalan ng dalawa dahil sila'y nag-viral at hindi talaga nila makakalimutan ang nakakatuwang pangyayaring ito.

Narito ang kabuuan ng maiksing video na naibahagi rin ng GMA News.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kabila ng pandemya, talagang walang makapipigil sa ilan nating mga kababayan na itinuloy ang pag-iisang dibdib basta't siniguro nila ang pagsunod sa mga safety protocols.

Read also

Twist sa bagong Ad ng Mega Tuna, kinagiliwan ng maraming netizens

Mayroon pa ngang magkasintahan na kahit hindi sila magkasama ay naisakatuparan pa rin nila ang pag-iisang dibdib kahit nasa Pilipinas ang babae habang nasa Estados Unidos naman ang lalaki.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa pang kasalan kahit pandemya ay ang kwento bride at groom na lumusong sa baha makatawid lamang sa rumaragasang tubig at para makapunta sa simbahan para maituloy ang kanilang kasalan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel