Twist sa bagong Ad ng Mega Tuna, kinagiliwan ng maraming netizens

Twist sa bagong Ad ng Mega Tuna, kinagiliwan ng maraming netizens

- Kinagigiliwan ngayon online ang bago at kakaibang advertisement ng Mega Tuna

- May caption lamang ang viddeo na "watch 'til the end" kaya naman naintriga ang netizens at tinapos nga ang video

- Marami sa kanila ang nagulat sa "twist" ng advertisment na hindi nila talaga inakala

- Naalala rin ng marami ang commercial ng RC Cola na gumawa rin ng ingay sa social media dahil sa kakaiba nitong konsepto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang TV commercial ng Mega Tuna na dahil sa kakaibang "twist" sa kalahati ng video.

Nalaman ng KAMI na sa umpisa'y aakalaing tipikal na advertisement lamang ito kung saan makikita ang modelo na kakain ng Mega Tuna.

Subalit sa kalagitnaan ng video, bigla na lamang bumaliktad ang lahat.

Twist sa bagong Ad ng Mega Tuna, kinagiliwan ng maraming netizens
Photo from Mega Global
Source: UGC

Ang butiki na nasa kisame na tila natatakam sa kinakain ng modelo ang siya na ngayong kumakain ng Mega Tuna habang ang babae na ang nasa kisame at natatakam sa kinakain ng butiki.

Read also

Lola na biktima ng "trolley attack" sa California, idinetalye ang pangyayari

Aminado ang mga netizens na labis silang naaliw sa kakaibang konsepto ng commercial na ito. Sinunod daw kasi nila ang "watch 'til the end" caption nito kaya naman nagulat talaga sila sa kabuuan ng video.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"In fairness natawa ako ah, kaso na-paranoid ako sa mga butiki sa kusina pagkumakain kami. haha"
"Oo nga naman, what if tayo ang naiingit sa mga butiki pag sila ang kumakain"
"Hindi ko ineexpect ang twist ha, pero naloka ako kay ate noong siya yung nalagay sa kisame"
"Kawawa naman pala ang mga butiki hanggang takam lang sila"
"Ang kulit ng ad na 'to, yung butiki napa-sana all, ayan tuloy siya na yung kumakain ng maayos!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Fire Officer, nakasulat ng kanta habang bumibiyahe sa Maynila pabalik ng Quezon

Dahil sa TV Ad na ito, marami tuloy ang nakaalala sa isa ring commercial na gumawa ng ingay bago matapos ang taong 2020.

Dalawang commercial ng RC Cola ang gumawa talaga ng eksena sa social media ang Ad nila na may pamagat na "Family". Matatandaang ito ay tungkol sa isang binatilyo na nagtanong sa kanyang ina kung bakit may mga baso siya sa kanyang likuran. At ang ikinagulat lalo ng marami ay nang makitang may RC Cola pala sa loob ng ulo ng ina.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sumunod dito ang isa pa rin nilang Ad tungkol sa pag-amin ng isang ka-banda na may RC Cola sa loob ng kamay. Subalit ang mga kabanda niya pala na naka-shades ay naglalabas naman ng yelo sa mata.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel