Ivana Alawi, taos-pusong pinasalamatan ng natulungan niyang kutsinta vendor

Ivana Alawi, taos-pusong pinasalamatan ng natulungan niyang kutsinta vendor

- Taos-pusong nagpasalamat ang kutsinta vendor na si "Tatay Joselito" kay Ivana Alawi

- Matatandaang siya ang nagmalasakit na magbigay ng limos at ng pagkain kay Ivana noong nagpanggap itong pulubi

- Hindi raw niya inakala na ganoong kabait ang aktres na binigyan siya ng tulong na di niya inaasahan

- Maging ang misis ni Tatay Joselito na si Nanay Tesh ay labis na nagpapasalamat sa kabutihang ipinakita ng YouTube star

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang video ang inilabas kahapon, Marso 20 kung saan taos-pusong nagpasalamat si Tatay Joselito Martinez kay Ivana Alawi.

Nalaman ng KAMI na si Tatay Joselito ang kutsinta vendor na nagmalasakit na magbigay ng limos kay Ivana noong nagpanggap siyang isang pulubi.

Hindi lamang kasi siya binigyan ng limos ni Tatay Joselito, nakipagkwentuhan pa ito sa kanya at binigyan pa siya ng makakain.

Read also

Lola na biktima ng "trolley attack" sa California, idinetalye ang pangyayari

Ivana Alawi, taos-pusong pinasalamatan ng natulungan niyang kutsinta vendor
Photo from Facebook
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nang alukin pa siya nito ng maiinom, doon na nagsimulang maging emosyonal si Ivana at hindi na napigilang maluha dahil sa labis na kabaitan ng tindero.

Ang Php20 na binigay ni Tatay Joselito ay tinumbasan ni Ivana ng Php20,000.

Naluluha rin noon ang kutisinta vendor na hindi halos makapaniwala sa biyayang iniaabot ng aktres.

Dahil dito, labis siyang nagpapasalamat sa kanyang "Ma'am Ivana."

"Gusto kong pasalamat sa'yo, sana bigyan ka pa ng maraming subscribers na matutulungan."

Maging ang misis nito ay umaapaw ang kaligayahan sa tulong na naibigay sa kanila ni Ivana.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Trending Now Helping:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 12 million ang kanyang YouTube subscribers.

Read also

Lalaking pumasok sa iba't ibang trabaho mula pagkabata, isa na ngayong principal at negosyante

Nito lamang Linggo, Marso 14, ibinahagi ni Ivana ang kanyang vlog kung saan nagpanggap siyang namamalimos sa mga tao sa lansangan.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Labis na humanga si Ivana sa kabutihan ng mga Pinoy na sa kabila ng hirap na dinaranas ay nakuha pa ring tumulong sa iba.

Ilang araw matapos na lumabas ang video, mabilis ding kumalat sa social media ang muling pagkikita nina Ivana at Tatay Joselito. Sinasabing binilhan niya ito ng mga gamit sa bahay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel