Willie Revillame, pinakita ang kanyang bagong helicopter

Willie Revillame, pinakita ang kanyang bagong helicopter

- Ibinahagi ni Willie Revillame ang kanyang bagong nabiling helicopter

- Aniya, binili niya ito bilang regalo sa kanyang sarili at para magamit na rin sa kanyang pagtulong

- Isa si Willie sa mga artistang palaging nagpapaabot ng tulong lalo na sa panahon ng sakuna at mga kalamidad

- Matatandaang noong July 2019 ibinahagi ni Willie na nag-aaral siya magpalipad ng helicopter at nitong December 2020 ay nakuha na niya ang kanyang lisensya bilang isang piloto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ipinakita ni Willie Revillame ang kanyang bagong helicopter na kanyang nabili bilang regalo sa kanyang sarili.

Aniya, gagamitin niya rin ito para sa pagtulong sakaling kailanganin kagaya na lamang ng maghatid siya ng tulong sa ilang mga nasalanta ng sakuna.

Willie Revillame, pinakita ang kanyang bagong helicopter
Willie Revillame (Photo from Flickr)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Sarah Geronimo, inaming nakabantay ang asawa habang nasa shoot para sa concert

Isang litrato ang hawak ni Willie kung saan ipinapakita niya ang kanyang helicopters. Mababasa rin dito ang kanyang buong pangalan na may katagang “Captain.”

”Yun pong mga chopper na 'yan eh para po sa pagtulong din, 'pag magbibigay tayo ng mga tulong… Ibig sabihin po eto'y puwedeng ayan nung nagpunta ako ng Catanduanes, 'yan po ang mga dala namin. 'Yan po, niregalo ko naman sa sarili ko 'yan para po humanitarian din 'yan.”

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang noong July 2019 ibinahagi ni Willie na nag-aaral siya magpalipad ng helicopter at nitong December 2020 ay nakuha na niya ang kanyang lisensya bilang isang piloto.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kilala si Willie Revillame bilang isa sa pinakamayayamang artista. Kilala bilang game show host. Ilan sa mga sumikat niyang shows ay Willingly Yours, Masayang Tanghali Bayan, Wowowee, Willing Willie, Wil Time Bigtime , at Wowowillie. Pinasok din niya ang pagrerecord ng mga awitin.

Read also

Alex Gonzaga, pinakita kung paano niya gampanan ang kanyang #WifeyDuties

Dahil sa tema ng kanyang mga TV show, naging takbuhan siya ng maraming nangangailangan ng tulong lalo na tungkol sa pinansiyal. Kamakailan, ibinenta niya ang mamahalin niyang sasakyan upang makalikom ng perang ibabahagi niya sa mga taong apektado ng pananalanta ng bagyo.

Nagbigay din siya ng tulong sa Mayor na Marikina at personal niya itong iniabot. Nagpapasalamat umano siya na sa kabila ng mga dumaang kalamidad ay ligtas siya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel