Alex Gonzaga, pinakita kung paano niya gampanan ang kanyang #WifeyDuties

Alex Gonzaga, pinakita kung paano niya gampanan ang kanyang #WifeyDuties

- Ipinasilip ni Alex Gonzaga ang kanyang pagiging maalagang asawa sa kanyang mister na si Mikee Morada

- Ibinahagi ni Alex na maagang umaalis si Mikee araw-araw at gabi na ito nakakauwi

- Sa kanyang panibagong video, sinubukan ni Alex na ipagluto ang kanyang mister ng gusto nitong ulam

- Sa tulong ng kanyang Mommy Pinty, tagumpay na naipagluto ni Alex ng pininyahang manok ang asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinatunayan ni Alex Gonzaga kung gaano siya ka maalaga sa kanyang mister na si Mikee Morada. Sa isang panibagong video na ibinahagi niya sa kanyang YouTube channel, sinubukan niyang ipagluto si Mikee ng kanyang paboritong ulam.

Alex Gonzaga, pinakita kung paano niya gampanan ang kanyang #WifeyDutes
Photo from Alex Gonzaga (@cathygonzaga)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos magpaalam ni Mikee para bumiyahe na papunta sa kanyang trabaho, tinawagan ni Alex si Mikee para tanungin kung anong oras ito uuwi at kung anong gusto niyang ulam.

Read also

Judy Ann Santos, kinilig sa pagpaparanas ni Ryan Agoncillo ng prom sa kanya

Sa tulong ng kanyang Mommy Pinty, inilista ni Alex ang mga kailangang sahog sa pininyahang manok na gustong-gusto ni Mikee.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Siya din mismo ang namili sa grocery store at nang makauwi ay siya din ang naghiwa ng mga sahog. Dahil recipe umano ni Mommy Pinty ang kanyang ginagaya, tinuturuan siya ng kanyang ina ng mga hakbang.

Aprubado naman ng kanyang mister ang kanyang luto nang sa wakas ay makauwi na ito. Maging sa kanyang Uncle Jojo at Daddy Bonoy ay pasado ang kanyang piniyahang manok.

Narito ang reaksiyon ng kanyang mga tagapanuod:

She's trying her best. You can truly see her efforts. This couple are blessed to have each other. Stay strong!
Grabe ramdam ko kilig ni Mikee na pinag luto mo sya. His body language can tell na sobrang sarap na sarap sya sa luto mo. Truly, happy wife is a happy life.

Read also

Sarah Geronimo, inaming nakabantay ang asawa habang nasa shoot para sa concert

Alex is making me see the good side of getting married that is the consequence of waiting Gods time youll find the Guy God wants you to be with.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Alex Gonzaga ay ang nakababatang kapatid ng TV host na si Toni Gonzaga. Ikinasal siya kay Mikee Morada, isang businessman noong Nobyembre 2020. Bukod sa pag-arte at hosting, busy din siya sa kanyang vlog tungkol sa mga makeup tutorials at travel adventures.

Isa si Alex sa pinakamatagumpay na artistang naging vlogger. Sa katunayan, kamakailan lang ay umabot na sa 10 milyon ang kaniyang mga subscribers.

Ipinakita niya rin ang kanyang bagong sasakyan na nagkakahalaga ng mahigit isang milyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel