Pokwang, namahagi ng pagkain sa mga bata sa 3rd birthday ni Malia O'Brian

Pokwang, namahagi ng pagkain sa mga bata sa 3rd birthday ni Malia O'Brian

- Imbes na magarbong handaan ay simple lamang ang naging pagdiriwang ni Malia O'Brian sa kanyang kaarawan

- Para sa ikatlong taong kaarawan ng bunsong anak ni Pokwang, minabuti nilang mamahagi ng pagkain sa mga batang kanilang madaanan

- Isang simpleng salu-salo din ang kanilang idinaos kasama ang kanilang malalapit na kaibigan at pamilya

- Ibinahagi din ng mag-asawa ang reaksiyon ni Malia nang makita ang regalong scooter at bisekleta mula sa kanyang papa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang humanga sa mag-asawang Pokwang at Lee O'Brian dahil sa kanilang naisipang gawin para ipagdiwang ang ikatlong taong kaarawan ng kanilang anak na si Malia.

Imbes na magarbong handaan ay minabuti nilang mamahagi ng pagkain sa ibang bata na kanilang madaanan habang sila ay sakay ng kanilang sasakyan.

Pokwang, namahagi ng pagkain sa mga bata sa 3rd birthday ni Malia O'Brian
Pokwang (Photo from Flickr)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Sam Pinto, ipinasilip ang bagong condo nila ni Anthony Semerad

Marami ang bumilib dahil ito ay isang paraan din umano para maturuan habang bata pa si Malia ng pag-share ng kanyang mga blessing.

Isang salu-salo para sa kanilang pamilya at kaibigan ang kanilang idinaos para maipagdiwang ang kaarawan ni Tisay.

Tuwang-tuwa din ang bata nang makita ang regalo mula sa kanyang Papa Lee na scooter at bisekleta.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Marietta Subong o mas kilala bilang si Pokwang ay isang komedyante, TV host, singer,at product endorser. Kadalasang tungkol sa sarili niya ang kanyang mga biro kapag siya ay nagpapatawa. Ibinahagi ng komedyante ang kanyang pakikipagrelasyon sa aktor na Amerikanong si Lee O'Brian. noong buwan ng Enero noong 2015.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nabuntis siya ngunit sa kasamaang palad ay nakunan noong Agosto ng parehong taon. Muli siyang nagbuntis at ibinahagi niya ito sa kanyang Twitter account noong June 16, 2017. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018.

Read also

Toni Fowler, ipinagtanggol ang napapabalitang bagong girlfriend ni Rob Moya

Madalas na kinakaaliwan si Malia sa mga ibinabahaging video at litrato niya sa Instagram. Kamakailan ay maraming bumilib sa pagiging magana nito sa pagkain ng gulay.

Maging ang video kung saan naglilinis ito ng kanilang garden ay patok na patok sa mga netizens.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel