PWD na pitong taon nang nagtitinda, natulungan ng mga nagmalasakit na netizens
- Viral ang post tungkol sa isang PWD na matiyaga pa ring naglalako ng mga panlahok at pampalasa sa pagluluto
- Pitong taon na umanong naglalako ang PWD na hirap magsalita at halos paralisa na ang kalahating katawan
- Madalas din daw itong lokohin dahil sa kanyang kalagayan ngunit tuloy parin siya sa pagtitinda para may makain
- May mga nagmalasakit na netizen na nagpadala na ng tulong pinansyal para sa kanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Viral ang post tungkol sa isang PWD na naglalako sa Payatas ng mga panlahok at pampapalasa sa pagluluto.
Nalaman ng KAMI na hirap itong magsalita at paralisa na halos ang kalahating katawan ngunit patuloy pa rin ito sa paglalako.
Sa post na ibinahagi ni Melbert Carreon, naikwento niyang pitong taon na niyang nakikita na matiyagang naglalako ang PWD.
Sa kabila ng kalagayan nito, patuloy na nagtitinda ang PWD dahil ito ang pinagkukunan niya ng pambili ng makakain sa pang-araw araw.
Madalas pa raw itong lokohin at tuksuhin dahil sa kanyang itsura at sitwasyon pero balewala na lamang daw sa tindero dahil kailangan nitong kumita.
Noong panahon na nalagay sa enhanced community quarantine ang Metro Manila, hirap lalo ang kalagayan ng PWD dahil hindi siya makapaghanapbuhay.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Araw-araw, nagbubuhat daw ito ng mga panindang kamatis, asin, at kalamansi na nakalagay sa malaking basket.
Nang kausapin siya ni Melbert, nagpatulong pa raw itong makapagsulat sa kanya upang makahingi ng kariton na mapaglalagyan niya ng kanyang paninda.
At dahil sa nag-viral ang post ni Melbert, marami ang tumugon at nagpadala ng tulong pinansyal.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Dahil sa mga viral post, natutulungan ang mga kababayan nating naghihikahos sa buhay.
Tulad na lamang ng isang lolo na naglalako ng basahan kahit hirap maglakad dahil sa stroke.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Isang netizen ang nagmalasakit na kunan siya ng video upang maihingi ng tulong. Dahil sa viral post, natulungan siya ni Raffy Tulfo at nabigyan siya ng sari-sari-store upang hindi na siya mag-ikot para lang maglako ng basahan.
Gayundin ang isang taho vendor na bitbit ang anak sa pagtitinda. Isa sa kanyang mga suki ang nakaisip na idulog kay Tulfo ang kalagayan ng mag-ama. Dahil dito, nabigyan ang taho vendor ng food cart para hindi na ito mahirapang isama ang anak sa paghahanapbuhay.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh