62-anyos na tindero ng electrical tape, natulungan ng nagmalasakit na vlogger
- Natulungan ng isang vlogger ang 62-anyos na naglalako ng electrical tape sa gilid ng kalsada
- Nadaanan lamang niya ito habang nakaupo at nag-aabang sa mga posibleng bumili ng kanyang paninda
- Nalaman ng vlogger na mayroon pa palang anak na maliit ang tindero kaya naman matiyaga pa rin siyang naghahanapbuhay
- Pinakyaw ng vlogger ang mga tape at binigyan pa niya ito ng dagdag na tulong pinansyal para na rin sa kanyang puhunan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kahanga-hanga ang ginawa ng YouTube vlogger na si Denso Tambyahero dahil sa pagbibigay tulong niya sa isang matandang lalaki na naglalako ng electrical tape.
Dahil isang motorcycle rider si Denso, nadaanan niyang nakaupo sa gilid ng kalsada ang 62-anyos na naglalako habang naghihintay ng bibili ng kanyang paninda.
Nang kausapin ni Denso ang tindero, nalaman niyang sa kabila ng edad nito ay nagkaroon pa siya ng isang taong gulang na anak.
Ito ang dahilan kung bakit matiyaga pa rin siyang nagtitinda. Dati raw siyang tsuper ngunit dahil sa nawalan siya ng hanapbuhay, kailangan niyang dumiskarte ng pagkakakitaan.
Php20 ang halaga ng isang electrical tape na lako niya. Php5 piso lamang ang kita niya sa isang tape na naibebenta.
Noong matagpuan siya ni Denso, 15 piraso pa lamang ang kanyang nailalako ngunit papalubog na noon ang araw.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Kaya naman naisipan na ng vlogger na pakyawin ang panindang tape ng tindero na umabot pa sa 25 na piraso.
Imbis na kunin ang sukli, binigay na lamang ni Denso ang pera sa tindero at dinagdagan pa niya ito ng pampuhunan.
Labis ang pasasalamat ng tindero at mababakas sa kanyang mga ngiti sa labi ang kasiyahan na nagkaroon siya ng sobrang pera na maiuuwi sa kanyang pamilya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Denso Tambyahero ay isang YouTube content creator na kilala sa mga videos niya nagpapakita ng pagtulong sa kapwa nating hikahos sa buhay.
Naka-motor si Denso at tumutulong talaga sa mga nadaraanan niyang taong pansin niyang labis na nangangailangan.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan ay nabigyan niya ng maagang pamasko ang isang unan vendor na naglalako mula probinsya ng Rizal hanggang sa Makati City nang naglalakad.
Gayundin ang isang ama na inabutan na ng ulan sa pangangalakal dahil wala na umanong makain ang kanyang pamilya. Binigyan ni Denso ito ng bigas at perang panggastos sa mga susunod na araw.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh