Child star noon na si "Kirara", nakita muli sa TV makalipas ang 20 taon

Child star noon na si "Kirara", nakita muli sa TV makalipas ang 20 taon

- Isa sa mga naging panauhin ng 'Bawal Judgmental' nitong Marso 6 ay ang dating child star na nakilala bilang si "Kirara"

- 30 taong gulang na ngayon si "Kirara" na ang tunay na pangalan ay si Erika Ann Luna

- Walong taong gulang pa lamang siya nang magbida sa drama series noon ng GMA

- Ngayon, isa na siyang mommy at marketing manager din ng isang food retail company

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakita muli sa telebisyon ang dating child star na si Erika Ann na nakilala bilang si "Kirara."

Nalaman ng KAMI na isa si Erika sa mga naging panauhin ng 'Bawal Judgmental' nitong Marso 6. Mga Inactive sa showbiz ng mahigit sampung taon ang mga naimbitahan nila sa araw na iyon.

Kwento ni Erika, 14 na taon na ang lumipas mula nang huli siyang makagawa ng proyekto sa showbiz.

Read also

Sarah Geronimo, inaming nakabantay ang asawa habang nasa shoot para sa concert

Erika Ann Luna (Photo from Eat Bulaga)
Erika Ann Luna (Photo from Eat Bulaga)
Source: Facebook

Subalit bago pa ito, malaking break umano ang naibigay sa kanya ng drama series ng Tape Inc. sa GMA na "Kirara."

"Ako po si Kirara, sobrang bata pa po ako noon kaya hindi na siguro ako nakilala ni tatay," pahayag ni Erika.

Walong taong gulang pa lamang daw noon si Erika nang gawin niya ang teleserye na tumatak din sa puso ng mga Pinoy mula 1999 hanggang 2001.

"Kahit lagi kang inaapi, lagi kang umiiyak for the show, for the people... go lang tayo!" kwento pa ni Erika.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Subalit aminado si Erika na bagaman at mayroon siyang masasabing career sa showbiz, mas binigyang prayoridad niya ang kanyang pag-aaral.

"After Kirara, onting guestings nalang ganon, TV guestings tapos 'yun nga 2007, I accepted this Indie film na entry sa Cinemalaya pero in between nagsu-school ako."

Read also

Valentine Rosales sa Dacera case: "Ang daming nakikisawsaw sa isyu na ito!'

Para sa kanya, kahit na tinigil na niya ang pag-aartista, maituturing naman daw niyang greatest achievement ang makapagtapos siya ng pag-aaral.

Katunayan, isa na siya ngayong Marketing Manager ng isang food retail company kaya naman aminado siyang busy siya sa mga office work. Isa na rin siya ngayong proud mom ng kanyang one-year old baby.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ang "Kirara" ay isa sa mga sinubaybayang teleserye noong 1999 sa GMA na pinagbidahan ni Erika Ann Luna. Kasama rin niya ang ilan sa mga bigating artista sa bansa na sina Amy Austria, Sandy Andolong, Tirso Cruz III, Daniel Fernando, Ryan at Geoff Eigenmann, Alesandra De Rossi, Eugene Domingo, Rayver Cruz at Chat Silayan.

Nagkaroon pa ng Book 2 ang Kirara at tumagal din ang serye sa loob ng dalawang taon kung saan umabot sa 566 na mga episodes.

Read also

Mulleno at Sifiata family ng 'baby switching' episode ng KMJS, may YouTube channel na

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, naging panauhin din sa "Eat Bulaga" ang isa sa mga naging kalahok ng Little Miss Philippines (LMP) na si Patricia Leticia Syson. Ikinuwento ni "Patti" ang kanyang mga masasayang karanasan sa pagsali sa LMP at sa ngayon, hindi lamang siya doktor, isa rin siyang abogado at propesor.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica