Dating Little Miss PH, isa na ngayong doktor, abogado at propesor

Dating Little Miss PH, isa na ngayong doktor, abogado at propesor

- Nakakabilib ang dating Little Miss Philippines Grand Finalist dahil naging matagumpay na siyang doktor, abogado at propesor

-Ikinuwento niya na ang ate niya talaga ang dapat na sasali ngunit nahiya na ito kaya siya na lamang ang tumuloy

- Payo niya sa mga magulang na kahit gaano man ka-busy sa trabaho, paglaanan pa rin ng oras ang hilig ng mga anak

- Malaking bagay daw sa kung ano siya ngayon ang mga naranasan at natutunan niya sa pagsali sa LIttle Miss Philippines

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi lang doktor kundi isa ring abogado at propesor ang dating Little Miss Philippines grand finalist na si Patricia Leticia Syson.

Nalaman ng KAMI na sa muling pagbubukas ng Eat Bulaga ng Little Miss Philippines ngayong taon, naimbitahan muli nila ang ilan sa mga naging bahagi ng patimpalak na ito.

Read also

Judy Ann Santos, kinilig sa pagpaparanas ni Ryan Agoncillo ng prom sa kanya

Isa na rito si Patricia o si "Patti" na naging panauhin sa Bawal Judgmental.

Dating Little Miss PH, isa na ngayong doktor, abogado at propesor
Patricia Leticia Syson, LMP 1990 Grand Finalist Photo credit: Eat Bulaga, Bawal Judgmental
Source: Facebook

Kwento ni Patti, ate niya talaga ang sasali sa Little Miss Philippines. Tanghali sila nakarating sa audition at bandang hapon na sila natawag.

Subalit nang ipakikita na sana ng kanyang ate ang inihandang talento sa audition, nahiya na raw ito.

Kaya naman siya na ang isinalang at ang tulang namemorya na niya sa kakapakinig sa pagpa-praktis ng kanyang ate ang kanya na ring naipakitang talento.

Limang taong gulang pa lamang si Patti nang maging bahagi siya ng Little Miss Philippines taong 1990.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Hindi raw niya ito naisip na isang kompetisyon at para lamang silang nag-e-enjoy ng kanyang kapwa mga kalahok.

Kaya naman payo niya sa mga magulang, gaano man sila ka-busy, maglaan ng oras para suportahan ang mga hilig ng mga anak.

Read also

Store owner, labis na nadismaya sa nakawang naganap sa kabubukas lang niyang shop

Tulad niya na anak ng mga doktor na pawang mahigpit ang oras sa serbisyo, napaglaanan pa rin siya ng oras ng kanyang ina para suportahan siya sa pagsali sa Little Miss Philippines.

Hinding-hindi rin daw niya makakalimutan ang karanasang ito na magpasa-hanggang ngayon ay baon-baon niya sa kung ano man ang kanyang narating sa buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ang Little Miss Philippiines ay bahagi ng "Eat Bulaga" kung saan mga cute at talentadong mga batang babae ang nagiging kalahok upang ibahagi ang kanilang talento at talino.

Ilan sa mga sikat na artista na naging produkto ng patimpalak na ito at sina Ice Seguerra, Cammille Prats, at maging si Pauleen Luna.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel