43-anyos na guest sa "Bawal Judgmental", malungkot sa pagiging "no GF since birth"

43-anyos na guest sa "Bawal Judgmental", malungkot sa pagiging "no GF since birth"

- Naluha ang isang panauhin ng "Bawal Judgmental" sa 'Eat Bulaga' nang ibahagi niya ang buhay ng pagiging single ngayon na 43-anyos na siya

- "NGSB" o "no girlfriend since birth" ang panauhing ito at aminado na malungkot lalo na at ang iba niyang mga kapatid ay may kanya-kanyag nang pamilya

- Aminadong natatakot umano siya na mangligaw at nakatutok din siya sa pagha-hanapbuhay at pagtulong sa pamilya

- Ngayon, handa na umano siyang sumubok sa pag-ibig dahil malungkot umano ang mamuhay at tumandang mag-isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinuwento ni Al Solitario, 43-anyos na mula Sampaloc, Manila ang buhay niya bilang "NGSB" o "no girlfrienf since birth."

Nalaman ng KAMI na ang mga panauhin kamakailan sa "Bawal Judgmental" ng 'Eat Bulaga' mga hindi pa nagkakaroon ng kasintahan na may edad na 45 pataas.

Read also

Sharee Roman ng RTIA, naiyak sa surpresang birthday greeting ng kanyang ina

Isa rito si Al na bagaman at 43 pa lamang ay hindi na rin nalalayo ang kwento ng kanyang buhay sa iba.

43-anyos na guest sa "Bawal Judgmental", malungkot sa pagiging "no GF since birth"
Photo from Eat Bulaga
Source: Facebook

Naluluhang sinabi ni Al ang hirap nang mamuhay na nag-iisa ngayon at humantong na siya sa kanyang kasalukuyang edad.

Nakikita niyang may mga pamilya na ang kanyang mga kapatid habang siya at wala pa ring kahit kasintahan.

"Mahirap 'pag wala kang pamilya... 'Pag magkakasakit ka walang mag-aasikaso," emosyonal na naibahagi ni Al.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Subalit, nabanggit din niyang takot talaga siyang manligaw o magpahayag ng kanyang nararamdaman. Nahihirapan din umano siyang maghanap ng babaeng para talaga sa kanya.

At ngayong humantong na siya sa kanyang edad, handa naman na siyang sumabak sa pag-ibig.

Katunayan, sinubukan pa ng mga "Eat Bulaga" host na sina Jose Manalo at Ryan Agoncillo na ipakilala si Al sa isa namang "NBSB" o "no boyfriend since birth" panauhin na si Lyn.

Read also

Basel Manadil, super proud sa mga successful na kapatid na nasa medical field

Ayon pa kay Jose, aabangan nila kung may patutungahan nga ang pagkakakilala ng dalawa sa kanilang programa.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, isa ring kwento ng pag-ibig mula sa 'Bawal Judgmental" ang umantig sa puso ng marami nang ibanahagi ni Danny Cortezano kung paano tumagal ang relasyon niya kay Lorna kahit 34 taon ang agwat ng kanilang edad. Subalit kahit masaya at tumatagal ang kanilang pagsasama, binawian na rin ng buhay si Lorna bago matapos ang taong 2020.

Ang "Bawal Judgmental" ay bahagi ng longest noontime show sa Pilipinas na "Eat Bulaga". Mapapanood ito araw-araw mula Lunes hanggang Sabado sa GMA.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel