Video ni Camille Prats nang sumali siya sa Little Miss PH, ibinahagi ng "Eat Bulaga"

Video ni Camille Prats nang sumali siya sa Little Miss PH, ibinahagi ng "Eat Bulaga"

- Ibinahagi ng "Eat Bulaga" ang nakatutuwang video ng host at actress na si Camille Prats

- Minsan pala siyang sumali sa Little Miss Philippines noong 1990

- Cute na cute na Camille ang nasa video at pruweba raw ito na bata pa lamang siya ay kinakikitaan na siya ng potensyal sa pagiging artista

- Kapuso actress at host ng GMA show si Camille sa kasalukuyang mayroon din siyang YouTube channel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Video ni Camille Prats nang sumali siya sa Little Miss PH, ibinahagi ng Eat Bulaga

Camille Prats (Photo from Camille Prats Instagram)
Source: Instagram

Ibinahagi ng Eat Bulaga ang throwback video ng TV host/actress na si Cammille Prats nang sumali siya sa Little Miss Philippines noong 1990.

Nalaman ng KAMI na limang taong gulang pa lamang noon si Camille nang ipamalas niya ang isa sa kanyang mga talento, ang pagsayaw.

Pruweba raw ito na bata pa lamang ang aktres ay kinakikitaan na ito ng potensyal na magiging bahagi siya ng showbiz balang araw.

Nurse na low-risk sa COVID-19, tinamaan ng virus at biglaang pumanaw

Todo hataw ang batang Camille sa pagsasayaw ng 'lambada' habang todo smile pa rin siya sa audience.

Aliw na aliw ang mga netizens sa cute na cute na video ng aktres kaya hindi nakapagtatakang naging isa siya mga artista bata pa lamang nang magsimula ang career sa show business.

Matatandaang nagsimula siya sa youth oriented show na Ang TV at mas nakilala sa husay ng kanyang pagganap bilang reali-life Princess Sara sa pelikulang "Sara, ang munting prinsesa."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Mula noon, sunod-sunod na ang mga naging proyekto ni Camille mapa-TV man o telebisyon.

Kahit pa lumipat na siya ng istasyon at naging certified Kapuso na siya, hindi pa rin nanamlay ang kanyang career.

Pati hosting ay pinasok na rin niya at bahagi siya ng programang 'Mars' mula pa noong 2012.

Mayroon din siyang YouTube channel kung saan makikita naman ang kanyang buhay bilang isang ina.

Fresh start! Tim Sawyer, nag-post ng larawan nila ni China Roces

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay nag-viral ang video ni Ruffa Gutierrez nang mag-guest siya sa programa ni Camille na Mars kasama si Wilma Doesnt.

Aliw na aliw ang mga netizens sa video na ito ni Ruffa dahil sa paglalaro nito ng giant jackstone.

Ilang videos pa rin ni Ruffa ang nag-viral kamakailan kabilang na rito ang pagsita niya sa TikTok video ng anak na si Lorin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel