Lalaking nakakaubos ng 15 na extra rice, ikinuwento ang kanyang buhay sa EB

Lalaking nakakaubos ng 15 na extra rice, ikinuwento ang kanyang buhay sa EB

- Ibinahagi ng lalaking nakakaubos ng 15 na extra rice ang kanyang buhay sa 'Bawal Judgmental' ng "Eat Bulaga"

- Mula pagkabata raw ay mahilig na talaga siyang kumain nang may karamihan

- Minsan na rin siyang singilin ng pangdalawang tao sa jeep dahil sa kanya umanong laki

- Ngunit ang nakatutuwa sa lalaking ito ay napananatili niyang maging positibo sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagiliwan ang guest ng Bawal Judgmental ng Eat Bulaga na si Rod Eusebio, isang 27-anyos na kaya raw umanong makaubos ng 15 na extra rice sa isang upuan.

Nalaman ng KAMI na bata pa lamang si Rod ay may kabigatan na ang kanyang timbang.

Habang lumalaki, ay nahihilig na talaga siyang kumain ng marami.

Lalaking nakakaubos ng 15 na extra rice, ikinuwento ang kanyang buhay sa EB
Rod Eusebio (Photo credit: Eat Bulaga)
Source: Facebook

Kwento niya, sinubukan naman niyang mag-exercise. Subalit sa tuwing may madaraanan siyang kainan, para raw siyang hinihila para kumain.

Read also

Sharon Cuneta, natangayan ng P500,000 ng isang taong kanyang pinagkatiwalaan

At pag kumakain pa raw sila sa mayroong "unli-rice", sulit na sulit ito kay Rod dahil nakaka-15 siyang extra rice at "nakapigil" pa raw iyon at hindi pa raw nakatodo.

Sa edad niya ngayon, nagbabalak na rin daw umano siyang mag-gym ngunit may kamahalan daw kasi ang bayad nito kaya naman minsanan lang niyang gawin ang maglakad-lakad.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nang tanungin naman siya kung mayroon siyang napupusuan, pabiro naman nitong sinabi na ang mga natitipuhan niya ay mga may-ari ng karinderya.

Ngunit minsan na rin siyang nakaranas ng bahagyang pangungutya dahil sa kanyang timbang. Tulad na lamang ng pagsingil sa kanya ng doble pamasahe sa jeep. Hindi naman na siya pumapalag at pang-dalawang tao nga ang kanyang ibbinabayad.

Ito rin ang kagandahan kay Rod dahil sa kabila ng mga ganitong uri ng pinagdaraanan ay nanatiling positibo at masayahin sa buhay.

Read also

Viral na jeepney driver na namamalimos, "nagkakalog" pa rin makalipas ang 1 taon

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay naitampok din sa 'Bawal Jugmental' ang dating Little Miss Philippines na isa na ngayong doktor, abogado at propesor. Hinangaan ito dahil sa isa na siyang ganap na doktor, abogado at propesor.

Ang "Bawal Judgmental" ay bahagi ng longest noontime show sa Pilipinas na "Eat Bulaga". Mapapanood ito araw-araw mula Lunes hanggang Sabado sa GMA.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel